25/08/2025
Ngayòng araw, ika-15 ng Agosto taóng 1550, itinatag ang makaysaysayang Lalawigan ng Bulakan.
Ang Bulacan ay isang lalawigan na matatagpuan sa Isla ng Luzon, ikatlong rehiyon at nag sisilbeng pintuan sa pagitan ng mga probinsiya sa Gitnang Luzon at Ka Maynilaan. Sa kasaysayan, ang nasabing lalawigan ay nag simula bilang payak at munting komunidad ng mga mangingisda't magsasaka sa dalampasigan ng look ng Maynila. Bago paman dumating ang mga Espanyòl sa bansa, nag silbeng mga magsasaka ang nasabing mga mamamayan nang matagpuan nila ang kapatagan na maaaring matamnan ng mga panananim. 'Di nag laon, ang maliit na pamayanan ay umusbong at ngayò'y kinikilala nating Lalawigan ng Bulacan.
Nang marating ng mga Espanyòl ang lalawigan, natagpuan nila ang pag usbong ng mga halaman at masiglang pamayanan. Sila'y nahalina rin dahil sa mga dilag at tunay na magagandang kababaihan ng Probinsiya. Tinawag nila itong "Bulakan (Bulacan) na nangangahulugang "Bulak-lakan". Ito'y nag mula rin sa salitang 'Bukak' o 'kapok'.
Mga makasaysayang kaganapan sa lalawigan ng Bulakan:
• Pag panday sa kasunduang "Biak-na-Bato" taóng 1897.
• Pagiging kabisera nito at tahanan ng Unang Republika ng Pilipinas.
• Pagiging Ehekutibong tanggapan at Lehislatibong tanggapan ng Simbahang Barasoain sa Malolos mula taóng 1898 hanggang 1899.
• Pag panday sa "Konstitusyong Malolos" at pagraratipika rito.
• Ang Bulakan ay tahanan ng mga bayani na sila Marcelo H. Del Pilar, Hen. Gregorio Del Pilar, Mariano Ponce, Tecson, Valenzuela, Torres, Estrella, Viola, Sandico, Maestro Eusebio Roque at iba pa.
• Ito ang tahanan ng kilalang "Mga Kababaihan ng Malolos"
• Isa ang Lalawigan ng Bulakan sa walong probinsiya na tumindig laban sa batas militar at pamamahala ng mga Espanyòl nòong ika-19 na Siglò.
• Ang Bulakan ay tahanan ng mga artista ng bayan katulad ng ating mga Pambansang Alagad ng Singing at Literatura na sila Francisco "Baltazar" Balagtas, Jose Corazon de Jesus, "Huseng Batute", Nicanor Abelardo, Francisco Santiago, Francisco Buencamino, Col. Antonio Buenaventura (Pambansang Alagad ng Singing sa Musika, taóng 1988), Ernani Cuenco (Pambansang Alagad ng Singing sa Musika, taóng 2000), Alfredo Buenaventura (Reyna ng Zarsuela) Atang dela Rama (Pambansang Alagad ng Singing sa Teatro't Musika, taóng 1987) Cecil Buencamino Licad (Pianista) Guillermo Tolentino (Pambansang Alagad ng Singing sa Eskultura taóng 1976), Francisca Aquino (Pambansang Alagad ng Singing sa Pagsayaw, taóng 1973), Doña Sisang de Leon, Gerardo de Leon (Pambansang Alagad ng Singing sa Pelikula, taóng 1982), Danilo Montes at iba pa.
Tunay nga na napakalaki at mahalaga ang naging ambag ng Lalawigan ng Bulakan sa iba't-ibang aspeto. Sa kasalukuyan, ang lalawigan ay isa sa mga pinaka malago at mabilis ang pag usad sa aspeto pang ekonomika.
Ayon sa "New Provincial Administrative Code of 2007 (Section 3), ang ika-15 ng Agosto ang opisyal na petsa sa pagtatatag ng lalawigan na tumutugma sa panrelihiyong kapistahan ng patronang Nuestra Señora de La Asuncion.
"Ipagbunyi natin bayang sinilangan
Lahi ng magiting na mamamayan
Mga bayaning nagbuwis ng buhay
Hindi malilimot kailanman, Nakamit na tagumpay
Karangalan mo’y walang kapantay
Lalawigan ng Bulacan, ang Bulacan.!"
Mabuhay ang makasaysayang Lalawigan ng Bulakan!
Isinulat nila: G. John Philip Palcat at G. John Rey Panogan
Disenyong Likha ni: Bb. Lj Moron
▪️Mga Sanggunian / Batis:
• Bulakenya (2023) "The Rich History of Bulacan: A Deep Dive into Its Cultural Heritage
• History of Bulacan. (n.d) https://bulacan.gov.ph/general-info/history-of-bulacan/