12/08/2026
ENROLLMENT IS ALWAYS OPEN !
Tara na at mag-enroll sa ALS STA CRUZ !
(Basahin ang buong post para sa iba pang impormasyon)
-----
Kung ikaw ay Potential ALS Learner na nakatira sa Sta Cruz 1, 2 at 3 o mga kalapit na barangay:
1. MAG-MESSAGE sa page na ito ng inyong PANGALAN, EDAD, ADDRESS at HULING GRADE LEVEL na natapos. Bukas ang ating page 24 ORAS !
2. MAAARI DING MAGPUNTA sa inyong Barangay o sa Sangguniang Kabataan upang magpalista.
3. IHANDA ang iyong Birth Certificate o Valid ID. Mas mainam rin kung mayroon kang dokumento mula sa eskwelahang huli mong pinasukan gaya ng Report Card
-----
Ang ALS Sta Cruz ay tumatanggap ng enrolees sa mga sumusunod na Grade Level:
Elementary - (12 Years Old Pataas para makapag-exam)
Junior High School - (16 Years Old Pataas para makapag-exam)
- - - -
Sa ALS CSJDM STA CRUZ, flexible ang pag-aaral ! Sa BLENDED LEARNING, ibabalanse natin ang pagpasok sa klase sa piling mga araw at pagsagot ng modules pag-uwi sa bahay sa mga araw na ikaw ay di makakapasok.
- - - -
Bilang isang ALS Learner, kinakailangan mong matapos ang iyong LEARNER'S PORTFOLIO, na naglalaman ng mga gawaing magsisilbi mong paghahanda sa ACCREDITATION AND EQUIVALENCY TEST, isang pagsusulit na kailangan mong harapin upang ikaw ay makapasa sa ALS
- - - -
Araw ng Pasok
Brgy. Sta Cruz 1 -SK OFFICE
Tuesday to Saturday (8:00 AM to 12:00 NN)
- - - -
Tara na, ENROLL NA SA ALS STA CRUZ !