09/08/2026
📜✨ THE ART OF BAYBAYIN ✨📜
“Baybayin Heritage and the Future Filipino Classroom”
Mula sa sinaunang titik, tungo sa makabagong silid-aralan.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan, nagsasagawa ang Towerville High School – Araling Panlipunan Department ng isang makabuluhang Lecture Forum: “The Art of Baybayin: Baybayin Heritage and the Future Filipino Classroom.”
Layunin ng gawaing ito na muling kilalanin at pahalagahan ang Baybayin bilang mahalagang bahagi ng ating pamanang kultura at pagkakakilanlang Pilipino, gayundin ang pagtuklas sa mga makabagong paraan upang maiugnay ito sa pagkatuto ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon.
Ang Lecture Forum ay pangungunahan ni Sir Allan Torres Camba mula sa Academy of Cultural Education at Sir Taipan Lucero isang Calligraphy artist. Isang kagalakan na kayo po ay magiging bahagi ng aming pag-aaral at pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan 2026
💙❤️💛 Towerville High School – Araling Panlipunan Department