DepEd Tayo San Martin BBC ES 107162

DepEd Tayo San Martin BBC ES 107162 DepEd Tayo San Martin BBC ES

Official page of San Martin BBC Elementary School
located at Brgy. San Martin III, Sampaguita St.

Sapang Palay City of San Jose del Monte Bulacan
This is a Public School that caters Kinder to Grade 6 learners

Tuklasin ang iyong talento, paunlarin ang iyong kakayahan, at maging bahagi ng ating sports team! Ang pagsali sa sports ...
17/07/2026

Tuklasin ang iyong talento, paunlarin ang iyong kakayahan, at maging bahagi ng ating sports team! Ang pagsali sa sports ay hindi lamang nagpapalakas ng katawan kundi nagtuturo rin ng disiplina, pagtutulungan, at tiwala sa sarili. Huwag palampasin ang pagkakataong maging isang tunay na kampeon. Sumali na at ipakita ang iyong galing! πŸ†πŸ’ͺ

πŸ₯‹ ARNIS

πŸ₯‹ TARA, MAG-ARNIS NA!
Hasain ang iyong disiplina, bilis, at lakas habang natututo ng pambansang sining ng pakikipaglaban. Maging matapang, maging handa, maging isang Arnisador!

πŸ“ Open for Grades 3–6 (12 yrs old as of May 2026 and under)
πŸ‘¨β€πŸ« Look for: Sir Artin

"Train with honor. Fight with discipline. Join Arnis today!"

πŸ€ BASKETBALL

πŸ€ DRIBBLE. PASS. SHOOT. SCORE!
Ipakita ang iyong husay sa basketball at maging bahagi ng ating lumalaking koponan. Sama-sama nating abutin ang tagumpay!

πŸ‘¨β€πŸ« Look for: Sir Pip
πŸ“Open for Grades 4-6 (10 to 12 yrs old)

"One Team. One Goal. Be the Next Basketball Star!"

🏐 VOLLEYBALL

🏐 SERVE YOUR DREAMS!
Mahilig ka bang maglaro ng volleyball? Panahon na para ipakita ang iyong galing sa pagse-serve, pag-spike, at pag-block!

πŸ‘©β€πŸ« Look for: Mam Lucy
πŸ“Open for Grades 4-6 (10 to 12 yrs old)

"Play with heart. Spike with confidence. Join the Volleyball Team!"

🏸 BADMINTON

🏸 SMASH YOUR LIMITS!
Mahilig sa mabilisang galaw at exciting na laro? Sumali sa Badminton Team at paunlarin ang iyong bilis, diskarte, at kumpiyansa.

πŸ‘©β€πŸ« Look for: Mam Sharee
πŸ“Open for Grades 4-6 (10 to 12 yrs old)

"Swing. Smash. Shine. Be a Badminton Champion!"

β™ŸοΈ CHESS

β™ŸοΈ THINK. PLAN. WIN!
Hasain ang iyong isip at estratehiya sa laro ng Chess. Patunayan na ang tunay na lakas ay nagsisimula sa matalinong pag-iisip.

πŸ‘©β€πŸ« Look for: Mam Karen
πŸ“Open for Grades 1-6 (12 yrs old and under)

"Every Move Matters. Be the Next Chess Champion!"

Halina at Sumali! Ang tagumpay ay nagsisimula sa isang matapang na hakbang. πŸŒŸπŸ†

πŸŽ‰πŸŽ‚ Maligayang Kaarawan, Hon. Sec. Sonny M. Angara! πŸŽ‚πŸŽ‰Nawa'y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kal...
15/07/2026

πŸŽ‰πŸŽ‚ Maligayang Kaarawan, Hon. Sec. Sonny M. Angara! πŸŽ‚πŸŽ‰
Nawa'y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas, at inspirasyon sa inyong pamumuno upang higit pang mapaunlad ang kalidad ng edukasyon para sa bawat batang Pilipino.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon at walang sawang paglilingkod sa sektor ng edukasyon. Hangad namin ang marami pang taon ng matagumpay at makabuluhang pamumuno.

🎈 Maligayang Kaarawan po, Sec. Sonny Angara!

Pagbati mula sa inyong DepEd Family
SAN MARTIN BBC ELEMENTARY SCHOOL
Schools Division Office – City of San Jose del Monte

Stay safe BBCians πŸ˜‡
12/07/2026

Stay safe BBCians πŸ˜‡

Mga minamahal kong San JoseΓ±o at mga kapwa ko magulang, batid ko ang inyong pag-aalala kaya nais nating matiyak na ligtas ang bawat mag-aaral. Hindi natin itataya ang kaligtasan ng mga bata sa kanilang pagpasok sa paaralan sa gitna ng banta ng enhanced southwest monsoon o habagat at thunderstorm.

Dahil dito, suspendido muna ang Face-to-Face classes bukas, Lunes, July 13, 2026, sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan. Ipatutupad po ang Alternative Delivery Mode (ADM) upang ligtas na makapag-aral ang mga bata sa loob ng tahanan.

Manatili na muna tayo sa loob ng ating mga tahanan hangga’t maari, ihanda ang mga pangunahing pangangailangan ng ating pamilya, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng pamahalaan.

Nakaantabay at handang umalalay ang inyong City Government. Magdasal tayo para sa kaligtasan ng lahat.

Stay safe, San JoseΓ±os! πŸ™







πŸ“’ ANNOUNCEMENT!!!
08/07/2026

πŸ“’ ANNOUNCEMENT!!!

Ang kaligtasan ng bawat isa lalo na ng ating mga anak ang palaging una.

Dahil sa inaasahang epekto ng Super Typhoon , minabuti nating suspendihin muna ang FaceToFace classes at ipatupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan bukas Huwebes, July 9, 2026.

Batid ko po ang pag-aalala ng bawat magulang sa tuwing may banta ng masamang panahon kaya nais nating matiyak na ang ating mga mag-aaral, maging ang mga g**o at iba pang mga kawani ng paaralan ay mananatiling ligtas habang naipagpapatuloy ang pag-aaral sa loob ng kanilang mga tahanan.

Pakiusap din po sa lahat na manatili na muna tayo sa ating mga tahanan hangga't maaari, ihanda ang mga pangunahing pangangailangan ng ating pamilya, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng pamahalaan at mga autoridad.

Nandito po ang inyong City Government, nakaantabay at handang umalalay sa bawat San JoseΓ±o. Magdasal tayo para sa kaligtasan ng lahat at laging magtulungan bilang isang komunidad.

Stay safe and God bless, San JoseΓ±os.







The San Martin BBC Elementary School family extends its warmest congratulations to Mam Dhes on successfully passing the ...
05/07/2026

The San Martin BBC Elementary School family extends its warmest congratulations to Mam Dhes on successfully passing the 2026 National Assessment for School Heads (NASH)- Batch 2! πŸŽ‰

Your remarkable achievement is a testament to your hard work, dedication, and commitment to excellence in educational leadership. Your success inspires us to strive for greater heights and continue serving with passion and integrity.

May this milestone open more opportunities for you to lead, inspire, and make a lasting impact in the field of education. We are truly proud of you and wish you continued success in all your future endeavors.

Congratulations once again, Mam Dhes! Your San Martin BBC Elementary School family celebrates this well-deserved achievement with you. πŸ’™πŸ‘

πŸ“’ PAALALA SA MGA MAGULANG, MAG-AARAL, AT KAWANI NG PAARALANBilang bahagi ng pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at di...
05/07/2026

πŸ“’ PAALALA SA MGA MAGULANG, MAG-AARAL, AT KAWANI NG PAARALAN

Bilang bahagi ng pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at disiplinadong kapaligiran sa paaralan, ipinaaalala ng DepEd ang mga alituntunin at kaukulang hakbang sa pagharap sa mga paglabag.

Ang disiplina ay hindi lamang tungkol sa pagpapatupad ng mga patakaran, kundi sa paggabay at paghubog ng mga mag-aaral upang maging responsable, magalang, at mabubuting mamamayan.

Hinihikayat ang lahat na maging kabahagi sa pagpapanatili ng isang ligtas at positibong kapaligiran sa pagkatuto.

πŸ“– Para sa kumpletong detalye, basahin ang DepEd Order No. 006, s. 2026.

🩷🧑🩷🧑
04/07/2026

🩷🧑🩷🧑

03/07/2026
πŸ“… Hunyo 29, 2026Isinagawa ang School-Based Feeding Program (SBFP) Orientation upang maipaliwanag sa mga magulang at iba ...
29/06/2026

πŸ“… Hunyo 29, 2026

Isinagawa ang School-Based Feeding Program (SBFP) Orientation upang maipaliwanag sa mga magulang at iba pang kalahok ang layunin, proseso, at kahalagahan ng programa sa pagpapabuti ng kalusugan at nutrisyon ng ating mga mag-aaral.

Taos-pusong pasasalamat kay Nurse Ethyl Joy A. Querido sa pagbibigay ng mahalagang kaalaman at gabay upang maging matagumpay ang pagpapatupad ng School-Based Feeding Program.

Sa sama-samang pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, at mga katuwang sa kalusugan, masisig**o nating mas malusog, mas masigla, at mas handa sa pagkatuto ang bawat batang mag-aaral.

Isang karangalan para sa aming paaralan ang pagbisita ng ating butihing Schools Division Superintendent, Leonardo C. Can...
29/06/2026

Isang karangalan para sa aming paaralan ang pagbisita ng ating butihing Schools Division Superintendent, Leonardo C. Canlas, EdD CESO VI, upang personal na magsagawa ng inspeksyon at tiyakin ang kaligtasan at kahandaan ng ating paaralan para sa mga mag-aaral, g**o, at iba pang kawani.

Ang kanyang pagbisita ay nagpapakita ng patuloy na malasakit at matibay na suporta ng Schools Division Office sa pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran sa pagkatuto.

Maraming salamat po, SDS Leonardo C. Canlas,EdD CESO VI, sa inyong oras, paggabay, at dedikasyon sa pagsusulong ng kalidad at ligtas na edukasyon.

Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas, handa, at matatag na paaralan para sa bawat batang Pilipino. πŸ’™πŸ“š

Address

Sampaguita Street Brgy. San Martin III, Area C
San Jose Del Monte
3024

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo San Martin BBC ES 107162 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Tayo San Martin BBC ES 107162:

Shortcuts

Share

Category