04/10/2026
Isang napakasaya at matagumpay na pagdiriwang ng Araw ng mga G**o! ππ
Nakakatuwang makita ang inyong mga ngiti habang naglalaro at tinatanggap ang aming munting regalo β pero higit sa lahat, masaya kami na may pagkakataong kilalanin kayo nang lubusan.
Alam po namin, hindi madali ang inyong ginagawa. May mga pagod, may pagsubok, pero hindi niyo kami kailanman iniwan. Kayo ang naniniwala sa amin kahit minsan ay hindi kami naniniwala sa sarili namin. Kayo ang nagtuturo sa amin na mangarap at magsumikap para dito. π¦
Ang inyong dedikasyon ay hindi matutumbasan ng anumang regalo β pero sana, sa munting paraang ito, maramdaman niyo kung gaano kayo kahalaga sa amin. Kayo ang pundasyon ng aming kinabukasan. Maraming salamat po sa paghubog sa aming mga puso at isipan. ππ
Mahal na mahal namin kayo!
β SELG