15/12/2020
Tatlong Pira*ong Hopia
"Good morning I suppose this is your first time in medical ward, so we'll gonna take it one at a time. Please listen carefully and i'm going to explain the activities you need to perform while having your duty here."
Natapos na naman ako sa introduction ko. Every month kailangan kong sabihin yun sa mga estudyante ko bago magsimula ang duty Every month kasi ay nagpapalit ang hawak ko na estudyante. Isa akong registered nurse 20 anyos at napili magtrabaho sa isang nursing college dito sa Nueva Ecija sa isang pampublikong ospital sa probinsya ako na-assign na mag duty.
Naturingan na sa siyudad ng Cabanatuan yung ospital pero makikita mo napakalaking pagkakaiba nito sa mga naglalakihang private hospital. Doon, mabaho at mapanghi dahil ang sirang CR ay patuloy pa ring ginagamit, makalawang na ang mga k**a at may manipis na kutson ngunit kahit papaano ay nagtatakip sa matutulis na nakausling bakal, limitado ang gamot kulay gray ang bedsheet at ang lahat ng mga gamit o kailangan ay improvised.
“Sir, ayaw pong magpapunas ng pasyente ko. Medyo may fever po eh thirty-eight degrees”, sumbong ng isang student nurse.
“Eh, bakit ayaw raw? Wala bang bantay? Sinabi mo ba na hindi bababa ang lagnat niya kapag hindi siya napunasan?” iritado na ‘kong magtanong, Full house kasi kami, idagdag pa na may dalawang stroke patient na tumataas ang blood pressure anumang oras, eh mukhang aatakihin sa puso.
“Opo, sinabi kop po. Ang kulit ng pasyente, nagagalit pa po sa akin,”
“Sige, susunod ako sa’yo ro’n, Sandali lang,”
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng room A, di ko ugaling magpakita na iritado sa mga pasyente, Kinalma ko ang aking sarili kahit matinding pagod at gutom na ang nararamdaman ko.
Pag pa*ok sa Room C, hinanap ko ‘yong mukha ng estudyanteng lumapit sa akin kanina. Nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng bed ng isang matandang lalaki, nakahiga patalikod sa direksiyon ko. Lumapit ako at tinanong ang estudyante kung napunasan na ‘yong pasyente. Umiling siya at tumingin sa nakatalikod.
“ ‘Tay… Taty… Good morning po. Ako po ‘yung Cl ng student nurse n’yo, anon a nga pong pangalan n’yo, Taty?”
Sigurado ako na malambing ‘yong pagkakasabi ko niyon. Pero hindi man, lang siya Lumingon, bagkus ay padabog siyang nagsalita ng “Ayan na, may bed tag! Nandiyan ‘yong pangalan ko!
Hindi ako agad nakakibo . Sa totoo lang napahiya ri ako. Nasa bed tag yong pangalan niya, diagnosis, at kung kalian siya na-admit sa ospital na iyon. Congestive Heart failure ang sakit niya. May sakit siya sa puso, nasa edad na 73, at kaka-admit lang niya kahapon.
“ ‘Tay Ferdie na lang po itatawag ko sa inyo, ha? Mahaba po kasi ang Ferdinand.”
Pero wala pa rin akong nakuhang sagot, ni hindi siya lumingon.
“Kailaangan n’yo po talagang mapunasan para bumaba po ang lagnat n’yo. Makakasama po sa puso n’yo kung tataas pa ang lagnat n’yo”
Parang nagulat siya. Bigla siyang tumugon at nagtatanong ang mga mata kung totoo ba yong kasasabi ko lang.
“Kailangan po kayong mapunasan bago tumaas ‘yong lagnat n’yo. Mamaya pagkakain n’yo, paiinumin kop o kau ng paracetamol.”
Bumubulong siya habang bumabangon. Noon ko siya napagmasdan nang husto. Parang may kakaiba sa kanyang mata dahil sa pamamanas.
“May towel po ba kayo, ‘Tay? Para po mabawasan natin…” itinuro niya iyong ilalim na parte ng cabinet. Ni hindi siya tumingin, ipinakuha ko ‘yon sa estudyante. Inagaw ni ‘Tay Ferdie ang towel at kaya na raw niyang mag-isa. Tumingi sa akin ‘yong estudyante at naiwan ako roon, nakatingin kay ‘Tay ferdie habang hirap na hirap siyang pinupunasan ang sarili.
Natapos ang duty naming nang araw na ‘yon na puro sumbong tungkol sa kasungitan ni ‘Tay Ferdie ang naririnig ko. Ilang araw pa ang lumipas at tumatanggi na ang lahat ng mga estudyante na ma-assign sa kanya. Pero nanindigan ako na kailangan nilang mag-alaga kahit sino pa ang maysakit. Pati mga staff ay inis na inis din sa matanda. Bakit ba ganon na lang ang galit ni Tatay Ferdie sa mundo? Bakit wala man lang akong makitang bantay o dalaw? Wala ba siyang pamilya?
Ikalawang lingo ng duty nang magpasama sa akin ang ini-assign ko kay ‘Tay Ferdie. Naabutan namnin siya na hirap na hirap kumain. Hindi niya kasi maiangat ang kanang k**ay niya. May nakatusok naman suwero sa kabila, kaya sa paningin naming nakakakita, para siyang a*o na pilit inaabot ang pagkain gamit ang bibig niya. Mabuti na lang iilan na lang ang nasa kuwarto noon. Buan si ‘Lumapit kami sa kanya.
“ ‘Tay Ferdie, tulungan ka na naming..”
Umungol ito habang sumisenyas na para kaming itinataboy. Sinenyasan ko yong estudyante na kunin ‘yong trey ng pagkain at si ‘Tay Ferdie, pero sa gulat naming dalawa bago pa makuha ng estudyante ang trey, ibinato ito sa amin ni ‘Tay Ferdie, sapol na sapol ‘yong estudyante. Puro kanin ‘yong mukha niya, samantalang butil-butil ng ginisang petsay ang sumalpok sa putting-puti kong uniporme. Sa gulat siguro, napamura ang estudyante, na ginantihan ni ‘Tay Ferdie ng mas malulutong na mura. Balak pang gumanti ng salita ng estudyante, pero hinawakan ko siya sa balikat. Napatingin siya sa akin at sinenyasan ko siyang lumabas ng kuwarto.
Paglabas ng kuwarto, unti-unti akong lumapit kay ‘Tay Ferdie habang isa-isang inaalis ang petsay sa uniform ko. Nakayuko at nakatingin siya sa akin. Hinugot ko ang lahat ng hinahong mayroon sa katawan ko at sinimulan ko siyang kausapin.
“Hindi kop o alam kung ano ang galit n’yo sa mundo. O kung galit kayo sa nurse, sa doctor, o sa lahat ng mga tao sa ospital na ito. Siguro kulungan ang tingin n’yo rito pero sana ay ‘wag n’yong itaboy ang iilang taong nakahandang tumulong sa inyo. Hindi po masarap mabuhay ng mag-sa. Ngayon, kung nabuhay po kayo nang mag-isa, kung nasanay po kayo nang mag-isa, at kung bakit napakabigat sa inyo na aminin na hindi n’yo kayang mag-isa, hindi po ba dapat isipin nyo’ng utang-na-loon n’yo na tinutulungan naming kayo?”
Natahimik si ‘Tay Ferdie pero napansin kong may ilang butyl ng luha na tumulo sa mga mata niya habang nakayuko siya. Tatalikod n asana ako nang bigla siyang nag-angat ng mukha. Nakita ko roon ang pagsusumamo, isang taong pilit na tinatago ang kagustuhang tanggapin siya at alagaan, at tinakpan ito ng katigasan ng loob at galit.
“Kukuhanan kop o kayo ng bagong pagkain. Kakain ba kayo? Susubuan kita”
Tuamango siya at pasimpleng pinunasan ang luha niya.
Nang sumunod na linggo na muli kaming nagkita ni ‘Tay Ferdie. Wala kaming kibuan nang pinapakain ko siya. Umalis ako noon at pinaalala ang mga iinumin niyang gamut.
“Pasensya ka na, anak, sa akin noong huli tayong nagkita. Masyado akong naging bastos.” Bungad niya nang magkita ulit kami.
Sumagot ako at sinabing kalimutan na lang namin iyon.
“Noon kasi dumalaw ‘yong anak ko. Iyon ang totoo, anak.”
Nagulat ako dahil tinatawag niya akong anak. Ngumiti ako at hinawakan ‘yong k**ay niya sabay sabi na. “Di ba nakita mon a nga siya, ‘Tay Ferdie?”
Ngumiti –text siya. “Hindi pa siya rito nakapunta. Naki-text ako riyan sa katabi kong pasyente. Ang sabi niya, i-text na lang daw siya kapag kukunin na ‘yong bangkay ko rito.”
Hinigpitan niya ang hawak sa k**ay ko at hinayaan k siyang magpatuloy na magkwento.
“Hindi pa rin ako mapatawad, anak. Sabagay, kasalanan ko naman. Lumaki silang walang ama.”
Ramdam na ramdam ko ‘yong pait ng ngiti niya habang sinasabi niya iyon.
“Dose anyos lang ‘yong panganay ko noong iniwan ko sila. Nalulong ako sa bisyo-alak, sugal, babae, drugs. Lahat ‘yon nkita ko. Akalo ko noon ang sarap-sarap ng buhay ko. Malaya sa pananagutan at walang iniisip. Hindi ko kailangang isipin kung may ipapaulam ba ako sa pamilya ko o wala. Limang taon pagkatapos ko silang iwan, namatay ‘yong asawa ko.”
Patuloy ang pagtulo ng luha ni ‘Tay Fredie.
“Naghirap ‘yong mga anak ko dahil wala silang ama. Nawalan pa sila ng ina. Mga bata silang bahagya pa lang namumulat sa lupit ng mundo pero pinabayaan ko nang humarap mag-isa rito. Wala ako sa tabi nila para ipangtanggol sila. Alagaan. Galit ako sa sarili ko kaya ayaw kong may nagpapakita ng malasakit sa akin. Nabuhay ako sa mundo na puro ikasasaya ko lang ang iniisip ko.
“Natatakot akong mamatay na hindi nakahihingi ng tawad sa kanila. Tatlo ang anak ko. Nakahingi na ako ng tawad sa panganay ko, ‘Yong pangalawa, nakita ko bago ako dalhin dito.
“Anak, isa na lang naman ang hiling ko. Gusto kong Makita ‘yong bunso ko. Pero hindi ko siya nakita. Hindi ko na pangarap na patawarin nila ako. Masyado nang mataas ‘yon para sa kagaya ko. Sapat nang makahingi ako ng tawad.”
Hindi ako mahilig makialam sa buhay ng ibang tao pero pagkatapos kong marinig si ‘Tay Ferdie, kailangang may gawin ako. Kinuha ko ‘yong pangalan ng anak niya, taon, at descriptions. Sabi ko, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makaharap niya ‘yong bunso niya. Nag-search ako sa Facebook at ibang social networking sites. Nagpatulong din ako sa tiyuhin kong nasa NSO at COMELEC. Kailangan kong lubusin ang lahat ng oras dahil konti na lang ang panahon ni ‘Tay Ferdie.
Huling linggo ng duty naming, nakita ko si ‘Tay Ferdie at sabik na ibinalita sa kanya na bukas ay malalaman naming kung nasaan ‘yung anak niya. Sinabi niya, sabik na raw siya. Nagbiro pang magpapagwapo siya nang husto, maliligo siya, at magpapabango.
Niyakap niya ako., nagpasalamat, at sinabing tuparin ko ‘yong pangarap kong maging doctor. Kahit gaano kahirap, pangarap daw ang magdidikta kung gaano kaliit o kalaki ang mundong gusto kong galawan sa hinaharap. Magiging magaling daw akong doctor, hindi galling ng utak ko kindi sa kakayahan kong umunawa sa puso at magpahinga sa buhay. Naluha rin ako at nagpasalamat sa sinabi niya.
Dumating ang umaga at nagulat ako nang iabot ng tito ko ang isang death certificate. Pag-aari daw ‘yon ng pangalang hinahanap ko. Hindi ko maisip kung paano ko sasabihin sa isang matanda na ang tanging hiling niyng masilayan ang kanyang anak ay hindi na mangyayari.
Mabigat ang bawat hakbang ko habang kuyom sa palad ko ang nakatuping death certificate ng anak ni ‘Tay Fredie. Pagpa*ok ko, hinanap ko ang mukhang lagging sumasalubong ng ngiti sa akin nang nakaraang linggo. Pero wala siya roon. Malinis ‘yong k**a niya. Bakante. Inisip ko baka lumabas na siya ng ospital. Lumabas ako ng Room C at lumipat sa nurse station. Tinanong ko kung lumabas na ba si ‘Tay fredie. Nagulat ‘yung staff nurse at hindi agad nakapagsalita.
“Inatake siya kagabi. Mga bandang alas diyes. Kinuha na n’ong anak niya ‘yong kanyang bangkay kagabi rin.”
Huminto ang paligid ko. Natulala ako nang may iabot sa akin ‘yong staff. Isang paper bag na karaniwang ginagamit sa bakery.
“Bandang hapon iniwan ni’Tay Ferdie ‘yan dito. Sabi niya, ibigay raw sa’yo ngayon.”
Nanginginig ako nang buksan ang paper bag na may lamang tatlong hopia. Naluha ako. Nakwento ko sa kanya na paborito kong tinapay ang hopia. Naalala pala niya. Kasama niyon ay putting papel, sulat k**ay ni ‘Tay Ferdie ‘yong nandoon.
“Anak, maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Magkikita na rin kami ng anak ko. ‘Yon lang naman ang kahilingan ko kaya pwede na akong mamatay.”
Natulala ako sa pira*o ng papel na ‘yon, nag-iisip kung alam na ba ni ‘Tay Ferdie na wala na ‘yong bunso niya at naramdaman niya ban a magkikita na sila ngayon sa kabilang buhay. O hanggang sa huli ay umaasa siya na mapagbibigyan ang tangi niyang hiling. Ilang patak ng luha ang tumulo sa mata ko. Pero wala nang magagawa ang luha ko. Habang tinitingnan ko ‘yong talong hopia naalala ko ‘yong sinabi niya na ‘wag akong mabuhay na lagging iniisip na may susunod pang pagkakataon. Maikli ang buhay para sayangin ito sa mga bagay na puwedeng pagsisihan sa dulo.
Nasaan ka man ngayon, ‘Tay Ferdie, gabayan mo sana ako.
Mula sa “Sopas” (The Special Edition)
ni Robert s. de Guzman