30/08/2023
Alam mo ba?
Isang makasaysayan at mapagpalayang araw mga KA-Sokistad at LCCians!
Ngayon sa kasaysayan ng Pilipinas, Agosto 30, 1850, ipinanganak si Marcelo H. del Pilar sa bayan ng Cupang, Bulacan, Bulacan.
Si Marcelo H. del Pilar o mas kilala sa kaniyang pen name na ‘Plaridel’ ay isa sa mga nagpasimula ng satire sa ating bansa. Ang unang target ng kaniyang mga pluma ay walang iba kundi ang mga prayle noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Isinulat niya ang ‘Dasalan at Tocsohan’ na naglalaman ng mga batikos sa pamamahala ng mga prayle. Iniuutos niya ito sa kaniyang pamangkin na si Gregorio del Pilar na ipamahagi sa mga tao. Ang ginagawa naman ni Goyo ay pinagpapalit nya ang aklat dasalan na ibinibigay sa simbahan ng polyeto ng kaniyang tiyuhin.
Itinatag din niya ang Diariong Tagalog noong August 1, 1882. Kasapi rin siya sa pahayagan ng La Solidaridad, kung saan nya nakasama sina Jose Rizal, Mariano Ponce, Graciano Lopez Jaena at marami pang iba.
Dahil sa kaniyang hindi matatawaran na ambag sa ating lipunan kinilala sya bilang Father of Philippine Journalism at Father of Philippine Masonry. Taun-taon ipinagdiriwang sa lungsod ng Bulacan ang araw ng kaniyang pag silang.
Ang buong komunidad ng KAS ay nakikiisa sa bawat Bulakenyo sa pagalala sa buhay at kadakilaan ng ating kababayan.
Sanggunian/ Batis:
[News5Everywhere] (2023, July 5) Political Satire sa Pilipinas | History with Lourd [Video]. Youtube. https://www.youtube.com/live/seUtUU9e-5g?si=VpD1YcXcWR7mLorX
Today in Filipino history, August 30, 1850, Marcelo H. Del Pilar was born in Cupang, Bulacan, Bulacan. The Kahimyang Project. https://kahimyang.com/kauswagan/articles/554/today-in-philippine-history-august-30-1850-marcelo-h-del-pilar-was-born-in-cupang-bulacan-bulacan