22/01/2024
ππππππππ ππππ β¨
Si Teacher Josie G. Cuenga ay isang mabait na g**o ng Mababang Paaralan ng Talisay, Purok ng Timog San Isidro, Sangay ng Davao Oriental. Siya ay kasalukuyang Class Adviser ng ikalimang baitang. Isa siyang natatanging g**o na may malalim na pag-uunawa sa iba't-ibang sitwasyon ng kanyang mga estudyante.
Gurong Nagmamahal
Pag-ibig sa kanyang propesyon at sa mga mag-aaral ang dahilan kung bakit masiglang pumapasok sa paaralan si Gng Josie. Sa bawat lakad niya patungo sa paaralan, kasabay nito ang pag-asang maituro ang tamang direksyon sa kanyang mga mag-aaral tungo sa pag-abot ng mga pangarap. Ang pag-ibig niya sa mga mag-aaral bilang kanyang mga anak ay isang pag-ibig na bubuo at maisakatuparan ang bawat pangarap. Ang pag-abot sa mga pangarap na ito ay sisimulan niya sa kanyang handog na biscuits at gatas.
Gurong Mapagbigay
Gusto lang ni teacher Josie na mapasaya ang mga batang umaasa sa kanya upang matuto ng leksyon. Sa kanyang munting handog na biscuits at gatas sa mga ito, napapawi niya ang gutom at pangungulila ng mga ito sa kanilang mga tahanan, maging sa mga magulang. Munting handog man na maituturing ngunit naging malaking marka ito sa puso at isipan ng kanyang mga mag-aaral at maging ng mga magulang. Sa bawat pagkakataon na sila ay nakakatanggap, kasiyahan sa mukha ay nababakas- kasayahang hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa miyembro ng kanilang pamilya na sa pag-uwi nila ay makapagbigay din sa ate at kuya o sa bunsong nag-aabang sa pagdating nila. Ang diwa ng pagbibigay ni Gng Josie ay naging daan din upang maintindihan ng kanyang mga mag-aaral ang halaga ng pagbibigayan sa pamilya man o sa iba.
Gurong Umuunawa
Batid ni teacher Josie na mahirap kilitiin ang mga bata para maging alisto at bukas sa anumang aralin. Tanging malalim na pag-uunawa sa mga ito ang sandata niya para araw-araw niyang mapangangalagaan ang mga ito. Sa mga pagkaing bukal sa loob na ibinibigay niya, alam niyang lubos na kasiyahan ang nararamadaman ng mga ito. Alam ni teacher Josie ang istorya ng buhay ng bawat mag-aaral niya. May mga pagkakataon man na sila'y nagiging matamlay dahil sa mga suliranin na kanilang hinaharap, patuloy parin siyang nagbibigay ng positibong payo at kasiyahan sa mga bata. Ang pagmamahal niya sa mga ito ay tanda ng kanyang pag-unawa sa bawat papel na ginagampanan ng mga ito sa loob ng kanilang tahanan, sa komunidad, at maging sa paaralan.
Gurong Makatao
Laging dala-dala sa isip at puso ni teacher Josie ang mithiing maturuan nang maayos ang kanyang mga estudyante. Di bale nang gagasta siya para sa pagkain na mga ito basta't masig**o niya lang na handa at ganado ang mga ito sa kanyang klase. Para kay teacher Josie, ito ay maliit man na bagay ngunit may malalim na epekto sa pangarap ng mga bata.
Kung bibigyan man si teacher Josie ng isa pang pagkakataon na pumili ng propesyon, ang pagiging g**o pa rin ang pipiliin niya. Ito ang tanging misyon na makapagbibigay siya ng taos-pusong serbisyo sa mga mag-aaral.
Nina Luis G. Culaba at Jayann T. Fajardo
Larawan: Cris Jayson Pastor