04/10/2026
๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐
Hindi lahat ng pangarap ay nagsisimula sa isang malinaw na plano. Minsan, nagsisimula ito sa isang pagkakataonโat sa tapang na tanggapin kung saan ka dadalhin ng buhay.
Ito ang kwento ni ๐๐ซ. ๐๐๐๐๐๐ซ๐ฒ ๐. ๐
๐ซ๐๐ง๐๐จ, isang Certified Public Accountant (CPA) na mula sa mundo ng Accountancy ay unti-unting natagpuan ang sarili sa larangan ng edukasyon. Matapos ang ilang taon sa accounting at audit, nagbalik siya sa General de Jesus College (GJC) upang magbigay-balik sa institusyong naging bahagi rin ng kanyang sariling paghubog.
Mula sa pagiging g**o, patuloy na lumawak ang kanyang tungkulin hanggang sa siya ang humawak sa pinakamataas na posisyon ng paaralanโang pagiging ๐๐ง๐๐จ๐๐๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐ฃ๐ ๐๐
๐พ. Bagamaโt hindi niya planong mapunta sa posisyong ito, tinanggap niya ang pagkakataon at ang responsibilidad na kaakibat nito.
Sa likod ng kanyang mga titulo ay isang lider na naniniwalang ang tagumpay ay hindi lamang bunga ng motibasyon, kundi ng disiplina, patuloy na pagsisikap, tamang paghahanda, at tamang pananaw. Para sa kanya, maaaring magbago ang daan, ngunit hindi dapat magbago ang pangarap.
Bilang pinuno ng GJC, ang nais niyang maiwan ay hindi lamang isang pangalan, kundi isang kulturaโisang pamayanang may integridad, disiplina, at kahusayan, at isang institusyong patuloy na lumalago nang hindi nawawala ang puso nito.
Ngayong Araw ng mga G**o, buong-puso nating kinikilala at ipinagdiriwang si ๐ฆ๐ถ๐ฟ ๐๐ฒ๐ณ๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ hindi lamang bilang ating Pangulo, kundi bilang isang g**o na patuloy na nagbabahagi ng kaalaman, humuhubog ng mga pangarap, at namumuno nang may layunin.
๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐, ๐ฆ๐ถ๐ฟ ๐๐ฒ๐ณ๐ณ ๐๐ฎ ๐ถ๐ป๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป, ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ด๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐, ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐๐๐๐ถ๐ฎ๐ป. ๐๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐ ๐ง๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ฒ๐ฟ๐โ ๐๐ฎ๐, ๐ฆ๐ถ๐ฟ!