106570 - San Isidro Elementary School

106570 - San Isidro Elementary School Department of Education
Schools Division of Tarlac Province
Paniqui North District

Pagpupugay sa ating Mr. BSP at Miss GSP 2026Pagbati kay Roxanne Jhamaica Canlas, nagwagi bilang Miss GSP at Cleo Xander ...
28/09/2026

Pagpupugay sa ating Mr. BSP at Miss GSP 2026

Pagbati kay Roxanne Jhamaica Canlas, nagwagi bilang Miss GSP at Cleo Xander Sibaton bilang Mr. BSP ng San Isidro Elementary School.

⚜️ Joint Simultaneous BSP and GSP Backyard Camping 2026 ⚜️San Isidro Elementary SchoolSetyembre 25–26, 2026Isang masaya ...
28/09/2026

⚜️ Joint Simultaneous BSP and GSP Backyard Camping 2026 ⚜️

San Isidro Elementary School
Setyembre 25–26, 2026

Isang masaya at makabuluhang araw ng pagkatuto, pagkakaibigan, pagtutulungan, at pagiging tunay na Scout. Sama-sama nating hinubog ang disiplina, tiwala sa sarili, at diwa ng paglilingkod. 💙⚜️

Mabuhay ang ating mga batang Scout!

⚜️ Investiture Ceremony 2026⚜️September 25, 2026, isinagawa sa San Isidro Elementary School ang Investiture Ceremony par...
28/09/2026

⚜️ Investiture Ceremony 2026⚜️

September 25, 2026, isinagawa sa San Isidro Elementary School ang Investiture Ceremony para sa Kid Scout, Twinkler, Star Scout, at KAB Scout.

Isang makabuluhang hakbang tungo sa pagiging responsable, disiplinado, at handang tumulong na kabataan. 💙⚜️

Congratulations, Young Scouts! 👏

Congratulations sa ating masisipag at mahuhusay na Campus Journalists ng San Isidro Elementary School sa kanilang natata...
20/09/2026

Congratulations sa ating masisipag at mahuhusay na Campus Journalists ng San Isidro Elementary School sa kanilang natatanging pagganap sa Municipal Schools Press Conference (MSPC) 2026! 🎉👏

✨ Viniza Xyza T. Asto — 7th Place
Copy Reading and Headline Writing – English Division Qualifier

✨ Thrixie Mae O. Dela Cruz
Copy Reading and Headline Writing – Filipino Municipal Qualifier

✨ Cleo Xander G. Sibaton
Copy Reading and Headline Writing – Filipino Municipal Qualifier Trainer : Ma'am Juanita D. Tangonan

Ang inyong sipag, husay, tiyaga, at dedikasyon sa pamamahayag ay tunay na karapat-dapat ipagmalaki. Saludo kami sa inyong tagumpay! 💚📰✍️

Congratulations sa ating mga campus journalists ng San Isidro Elementary School sa kanilang paglahok sa DSPC 2026.Ipinak...
10/09/2026

Congratulations sa ating mga campus journalists ng San Isidro Elementary School sa kanilang paglahok sa DSPC 2026.

Ipinakita ninyo ang inyong best effort, talento, at dedikasyon sa bawat hamon ng paligsahan. Anuman ang naging resulta, kayo ay tunay na mga batang mamamahayag na dapat ipagmalaki! 💙

Congratulations, SIES Campus Journalists!👏🎉

🏆📰 ISANG TAOS-PUSONG PAGPUPUGAY SA ATING MGA BATANG MAMAMAHAYAG! 💙💛Congratulations sa mga Campus Journalists ng San Isid...
10/09/2026

🏆📰 ISANG TAOS-PUSONG PAGPUPUGAY SA ATING MGA BATANG MAMAMAHAYAG! 💙💛

Congratulations sa mga Campus Journalists ng San Isidro Elementary School na lumahok sa District Schools Press Conference 2026, kasama ang kanilang masisipag at dedikadong trainers! 🎉👏

✨ Samuel Cayna — 4th Place Feature Writing - English
Trainer: Ma’am Leah H. Campos

✨ Roxanne Jhamaica Canlas — 5th Place News Writing - English
Trainer: Ma’am Joremah M. Jimenez

✨ Viniza Xyza T. Asto — 2nd Place Copy Reading and Headline Writing - English
✨ Thrixie Mae O. Dela Cruz — 2nd Place Copy Reading and Headline Writing - Filipino
✨ Cleo Xander G. Sibaton — 4th Place Copy Reading and Headline Writing -Filipino
Trainer: Ma’am Juanita D. Tangonan

✨ Jenzel A. Tacmo — 7th Place Editorial Writing – Filipino
Trainer: Sir Renz Tyrone Bumagat

Congratulations, Batang Mamamahayag ng San Isidro! 🏅🎉
Mabuhay ang San Isidro Elementary School! 💙💛

AGOSTO 27, 2026 | BUWAN NG WIKA 🇵🇭🌺Buong puso at sigla na nakibahagi ang mga mag-aaral ng Ikalimang Baitang ng San Isidr...
28/08/2026

AGOSTO 27, 2026 | BUWAN NG WIKA 🇵🇭🌺

Buong puso at sigla na nakibahagi ang mga mag-aaral ng Ikalimang Baitang ng San Isidro Elementary School sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026. Sa kanilang aktibong pakikilahok, ipinakita nila ang malalim na pagpapahalaga sa wikang Filipino, kulturang Pilipino, at mga pagpapahalagang nagbubuklod sa ating bayan.🇵🇭❤️

Ang bawat salita ay may kuwentong pinagmulan, bawat tinig ay may mensaheng dapat pakinggan, at bawat kabataang marunong magmahal sa sariling wika ay may kakayahang ipagpatuloy ang pamanang Pilipino para sa susunod na salinlahi.

AGOSTO 27, 2026 | BUWAN NG WIKA 🇵🇭🌺Buong sigla at pagmamalaki na nakilahok ang mga mag-aaral ng Ikaapat na Baitang ng Sa...
28/08/2026

AGOSTO 27, 2026 | BUWAN NG WIKA 🇵🇭🌺

Buong sigla at pagmamalaki na nakilahok ang mga mag-aaral ng Ikaapat na Baitang ng San Isidro Elementary School sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026. Sa kanilang masiglang pakikibahagi, ipinamalas nila ang pagpapahalaga sa wikang Filipino, kulturang Pilipino, at pagkakakilanlang ating ipinagmamalaki. 🇵🇭❤️

Sa bawat salitang binibigkas at bawat gawaing kanilang sinasalihan, pinatutunayan nilang ang wika ay hindi lamang paraan ng pakikipagkomunikasyon. Ito ay tulay na nag-uugnay sa puso, kultura, at kasaysayan ng bawat Pilipino.

Mula sa kabataan, wika ay patuloy na mamumuhay; mula sa wika, pagkakaisa ay patuloy na uusbong.

AGOSTO 27, 2026 | BUWAN NG WIKA 🇵🇭📚🌺 Unang Baitang, Masiglang Nakibahagi sa Buwan ng Wika!🌺Masayang nakilahok ang mga ma...
28/08/2026

AGOSTO 27, 2026 | BUWAN NG WIKA 🇵🇭📚

🌺 Unang Baitang, Masiglang Nakibahagi sa Buwan ng Wika!🌺

Masayang nakilahok ang mga mag-aaral ng Uang Baitang ng San Isidro Elementary School sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026. Sa kanilang makukulay na kasuotan, ngiti, at masiglang pakikibahagi, ipinakita nila ang kanilang pagmamahal sa wikang Filipino, kulturang Pilipino, at mga tradisyong bahagi ng ating pagkakakilanlan. 🇵🇭❤️

Sa murang edad, unti-unti nilang natututuhan na ang wika ay tulay sa pagkakaisa at salamin ng ating kultura.

✨ Wika natin, yaman natin; sa puso ng kabataan, patuloy nating buhayin!”

AGOSTO 27, 2026 | BUWAN NG WIKA 🇵🇭📚🌺 Ikalawang Baitang, Nagningning sa Buwan ng Wika! 🌺Buong pagmamalaking nakilahok ang...
28/08/2026

AGOSTO 27, 2026 | BUWAN NG WIKA 🇵🇭📚

🌺 Ikalawang Baitang, Nagningning sa Buwan ng Wika! 🌺

Buong pagmamalaking nakilahok ang mga mag-aaral ng Ikalawang Baitang ng San Isidro Elementary School sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026. Sa kanilang makukulay na kasuotan, masiglang pakikilahok, at pagpapakita ng pagmamahal sa sariling wika at kultura, tunay nilang ipinamalas na ang wika ay buhay na bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.🇵🇭❤️

Address

San Isidro, Paniqui, Tarlac
San Isidro
2307

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 106570 - San Isidro Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share