AP Club Akle High School -S.Y. 2025-2026

AP Club  Akle High School -S.Y. 2025-2026 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from AP Club Akle High School -S.Y. 2025-2026, School, Alagao San Ildefonso bulacan, San Ildefonso.

"Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila? Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang Lupa. Aling pag-ibig p...
30/11/2025

"Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila? Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang Lupa. Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala…" ❤️👊🇵🇭

📌 Paggunita sa ika-162 Anibersaryo ng Kapanganakan ni G*t Andres Bonifacio – Supremo ng Katipunan. Kinilala rin bilang Ama ng Himagsikan matapos pamunuan ang Sigaw sa Pugad Lawin noong Agosto, 1896 laban sa mga Espanyol.



📝Pres: Marygrace Bautre

🎉 PERFECT GIFT FOR TEACHERS’ DAY! 🎉📚 Proudly brought to you by AP CLUB!Looking for a thoughtful pero abot-kayang regalo ...
26/09/2025

🎉 PERFECT GIFT FOR TEACHERS’ DAY! 🎉
📚 Proudly brought to you by AP CLUB!

Looking for a thoughtful pero abot-kayang regalo para kay Teacher? 🌸
✨ Hair Clamps – ₱50 (pwede ka mag-request ng kulay 😉)
✨ Ballpen with Flowers – ₱60
,✨flowers only-50

✅ Murang-mura
✅ Cute at unique
✅ Limited stocks – order na habang meron pa!

🎁 FREE CARD sa bawat order para sa personal mong mensahe 💝

📩 PM is the key para ma-reserve ka agad 🌼
🚚 Available through AP Club members

Let’s make our teachers feel loved this Teachers’ Day! 💕

"HAPPY NATIONAL HEROES DAY"🇵🇭Ngayong Agosto 25, 2025, sama-sama nating ipagdiwang at gunitain ang kabayanihan ng ating m...
25/08/2025

"HAPPY NATIONAL HEROES DAY"🇵🇭

Ngayong Agosto 25, 2025, sama-sama nating ipagdiwang at gunitain ang kabayanihan ng ating mga ninuno at makabagong bayani na nag-alay ng kanilang buhay, talino, at serbisyo para sa kapakanan ng ating bayan.

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng patuloy na nagbibigay inspirasyon at nagsisilbing huwaran ng tapang, malasakit, at pagmamahal sa bayan. Kayong lahat ay tunay na bayani sa inyong sariling paraan!

Mula sa AP Club Family, isang makabuluhan at makabayang Araw ng mga Bayani sa ating lahat!


MABUHAY AKLEHENYO🇵🇭Ngayon Agosto,21,2025  ay ginugunita natin ang kabayanihan at sakripisyo ni Benigno 'Ninoy' Aquino Jr...
20/08/2025

MABUHAY AKLEHENYO🇵🇭

Ngayon Agosto,21,2025 ay ginugunita natin ang kabayanihan at sakripisyo ni Benigno 'Ninoy' Aquino Jr. Ang kanyang tapang at pagmamahal sa bayan ay nagpapaalala sa atin na maging handa ring tumindig para sa tama at makipaglaban para sa kalayaan. Mabuhay ang alaala ni Ninoy Aquino!
🇵🇭 "

Isang mapag palang araw, mga kabataang makabayan!Ipinapakilala namin ang tagapayo ng aming AP Club, Si Ma’am Daisybel Cr...
15/08/2025

Isang mapag palang araw, mga kabataang makabayan!

Ipinapakilala namin ang tagapayo ng aming AP Club, Si Ma’am Daisybel Cruz Reyes! Sa kanyang paggabay at suporta, patuloy naming maisasakatuparan ang mga makabuluhang proyekto para sa ating paaralan.

Kami ay nasasabik na makasama siya sa pagtupad ng aming mga layunin upang higit pang mapaunlad ang aming samahan at mas mapayabong ang pagmamahal sa Araling Panlipunan. Isang mainit na pagtanggap sa iyo, Ma’am Daisybel, mula sa pamilya ng AP Club! 📚❤️🤍

Mabuhay  Aklehenyo! 🤗✨‎‎ Opisyal na pagpapakilala sa mga opisyal ng Akle High School AP Club para sa taong panuruan 2025...
14/08/2025

Mabuhay Aklehenyo! 🤗✨

‎ Opisyal na pagpapakilala sa mga opisyal ng Akle High School AP Club para sa taong panuruan 2025–2026! 🎉🇵🇭

‎"Ang pagkatuto ng kasaysayan ay hindi lamang pag-alala sa nakaraan, kundi paghahanda sa kinabukasan." 📖

‎Bagong taon, bagong mga lider, ngunit iisa pa rin ang layunin ang itaguyod ang kahalagahan ng Araling Panlipunan sa ating paaralan at komunidad. Ang inyong mga Ate at Kuya sa AP Club ay handang magsilbi upang lalong mapalalim ang inyong kaalaman sa kasaysayan,

‎Layunin naming maisagawa ang mga makabuluhang gawain na magpapalawak ng inyong pang-unawa sa ating kultura at lipunan, at maghuhubog sa inyo bilang mga mamamayang may malasakit, disiplina, at pagmamahal sa bayan.

‎Muli, binabati namin ang lahat ng opisyal ng AP Club. Nawa’y gampanan natin ang ating tungkulin nang may dedikasyon at integridad. Tandaan, ang lider ay hindi lamang nangunguna, siya rin ay naglilingkod at nagbibigay-inspirasyon.

‎Mabuhay ang AP Club! 📚🇵🇭


Principal: Aldvin Benz Evangelista
AP Club Adviser: Daisybel Reyes Cruz

📝 President; Marygrace Bautre

^^

Address

Alagao San Ildefonso Bulacan
San Ildefonso
3010

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AP Club Akle High School -S.Y. 2025-2026 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category