13/02/2020
MAGPALISTA SA RSBSA: Ang mga benepisyaryo ng Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF) ay kailangang nakalista sa RSBSA o Registry System for Basic Sectors in Agriculture. Ang RSBSA ang opisyal na listahan ng mga magsasaka sa bansa na kinikilala ng Department of Agriculture.
Maaaring magtanong sa iyong municipal/city agriculture office para malaman kung kayo ay nasa listahan na.
Para sa mga hindi pa rehistrado, narito ang proceso upang maitala ang pangalan sa RSBSA.
1.Makipag-ugnayan sa inyong Provincial/City/Municipal Agriculture Office (P/C/MAO) para sa mga kailangang dokumento sa pagpaparehistro.
2.Magdala ng 2X2 picture, isang orihinal na government ID, at katibayan ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka tulad ng titulo o kasunduan sa pagsasangla.
3.Kumuha ng RSBSA form mula sa C/MAO. Punan ito at lagdaan. Papirmahan ang form sa barangay chairman, C/MAO, at C/MAFC (City/Municipal Agriculture and Fishery Council).
4.Isumite ang mga kumpletong dokumento sa C/MAO.
5.Tanggapin ang RSBSA enrollment stub para maging kwalipikado sa ayuda ng Department of Agriculture. May control number at opisyal na selyo ang bawat stub para masiguro na ito ay tunay.
Mga tinatanggap na government ID:
✅National ID
✅SSS ID
✅GSIS ID
✅UMID
✅Postal ID
✅BIR TIN card
✅Passport
✅PRC ID
✅OWWA ID
✅iDOLE card
✅voter’s ID
✅senior citizen’s ID
✅driver's license
✅school ID (students)
PARA SA WALANG VALID ID: Kumuha ng barangay certification na nagpapatunay na ikaw ay may lupang sinasaka.
TANDAAN: Maaaring magpalista sa RSBSA kung may inuupahang lupa na tinataniman ng palay. Tanging magsasaka lang na may direktang ginagawa sa bukid ang pinapayagang magpagpalista sa RSBSA.