13/07/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | Patuloy na pinalalakas ng Bulacan Agricultural State College (BASC) ang paghahanda ng mga lingkod-bayan para sa Civil Service Examination.
Sa pamamagitan ng extension project na ๐๐๐๐๐: ๐๐๐ก๐ข๐๐ฏ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ญ๐๐ซ ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฅ ๐๐๐ซ๐ฏ๐ข๐๐ ๐ญ๐ก๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ก ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ ๐๐ง๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฑ๐๐๐ฅ๐ฅ๐๐ง๐๐, muling nagsagawa ang BASC ng serye ng mga review sessions para sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Balagtas, Bulacan simula noong Hulyo 9, 2026. Ang mga pagsasanay na ito ay pagpapatuloy ng unang batch ng review sessions na isinagawa noong Pebrero 2026, bilang bahagi ng mas komprehensibong paghahanda ng mga kalahok para sa nalalapit na pagsusulit.
Tinalakay sa programa ang mahahalagang paksa sa Civil Service Examination, kabilang ang 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, Republic Act No. 6713 o ang ๐๐ฐ๐ฅ๐ฆ ๐ฐ๐ง ๐๐ฐ๐ฏ๐ฅ๐ถ๐ค๐ต ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ต๐ฉ๐ช๐ค๐ข๐ญ ๐๐ต๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข๐ณ๐ฅ๐ด ๐ง๐ฐ๐ณ ๐๐ถ๐ฃ๐ญ๐ช๐ค ๐๐ง๐ง๐ช๐ค๐ช๐ข๐ญ๐ด ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ฎ๐ฑ๐ญ๐ฐ๐บ๐ฆ๐ฆ๐ด, at Bokabularyo.Nagsagawa rin ng pre-test at post-test upang masukat ang kaalaman ng mga kalahok at matukoy ang kanilang pag-unlad matapos ang mga sesyon.
Pinangunahan ang mga talakayan nina ๐. ๐๐ฅ๐ฏ๐ข๐ง ๐.๐. ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐๐ง, ๐. ๐๐๐ซ๐๐ฅ๐ ๐.๐
. ๐๐๐ฅ๐ฆ๐จ๐ซ๐๐ฌ, ๐๐. ๐๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฅ๐ ๐. ๐๐๐ฅ๐ฆ๐๐๐ซ๐ข๐, ๐. ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐๐ฅ ๐. ๐๐ ๐ฎ๐ข๐, at ๐. ๐๐จ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ ๐
. ๐๐ ๐๐ฎ๐ณ๐ฆ๐๐ง, mga g**o ng BASC. Samantala, pinangunahan ni ๐๐. ๐๐๐๐ฒ ๐๐ข๐ณ๐ ๐. ๐๐๐ฉ๐จ๐ฒ, Municipal Administrator ng Balagtas, Bulacan, ang pambungad na programa.
Sa pangunguna ng Institute of Arts and Sciences (IAS) at ng ABCDE Project Management Team, nananatiling katuwang ang BASC ng mga lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng mahusay, tapat, at propesyonal na serbisyo publiko sa pamamagitan ng mga makabuluhang programang pang-ekstensyon.