DepEd Malipampang Elementary School

DepEd Malipampang Elementary School San Ildefonso South District
Schools Division of Bulacan
Region III - Central Luzon

ADM: Pagkatutong Lampas sa Silid-AralanSa kabila ng masamang panahon, patuloy ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral. Sa p...
19/08/2026

ADM: Pagkatutong Lampas sa Silid-Aralan

Sa kabila ng masamang panahon, patuloy ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM), naipagpapatuloy ang mga gawaing pampagkatuto kahit pansamantalang hindi nagkakaroon ng regular na klase sa loob ng silid-aralan.

Patuloy na ginagawa ng ating mga mag-aaral ang kanilang mga learning activities sa gabay ng kanilang mga g**o at sa suporta ng kanilang mga magulang at tagapag-alaga.


PABATID πŸ“’ Alinsunod sa Memorandum Circular No. 129 na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo kaugnay ng patuloy na malakas na ...
18/08/2026

PABATID πŸ“’

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 129 na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo kaugnay ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat, ipatutupad ang Alternative Delivery Mode para sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lalawigan ng Bulacan ngayong Agosto 19, 2026.

Dahil dito, walang face-to-face na klase ngayong araw. Ipatutupad ng paaralan ang HINAY (Ease-In) upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto ng ating mga mag-aaral habang higit na isinasaalang-alang ang kanilang kaligtasan at kapakanan, gayundin ang kaligtasan ng ating mga g**o at iba pang kawani ng paaralan.

Hinihikayat ang lahat na manatiling ligtas, alerto, at nakatutok sa mga opisyal na pabatid at tagubilin ng paaralan.

Mag-ingat at manatiling ligtas ang lahat! ❀️


ADM: Pagkatutong Lampas sa Silid-AralanSa kabila ng hamon na dulot ng masamang panahon, hindi humihinto ang pagkatuto ng...
18/08/2026

ADM: Pagkatutong Lampas sa Silid-Aralan

Sa kabila ng hamon na dulot ng masamang panahon, hindi humihinto ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM), patuloy na naihahatid ang mga makabuluhang karanasan sa pagkatuto kahit wala sa loob ng silid-aralan.

Sa kani-kanilang tahanan, aktibong isinasagawa ng ating mga mag-aaral ang kanilang mga gawain sa pagkatuto, katuwang ang gabay ng kanilang mga g**o at suporta ng kanilang mga magulang at tagapag-alaga.


PABATID πŸ“’ Alinsunod sa Memorandum Circular No. 128 na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo kaugnay ng patuloy na malakas na ...
17/08/2026

PABATID πŸ“’

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 128 na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo kaugnay ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat, ipatutupad ang Alternative Learning Modes para sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lalawigan ng Bulacan ngayong Agosto 18, 2026.

Dahil dito, walang face-to-face na klase ngayong araw. Ipatutupad ng paaralan ang HINAY (Ease-In) upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto ng ating mga mag-aaral habang higit na isinasaalang-alang ang kanilang kaligtasan at kapakanan, gayundin ang kaligtasan ng ating mga g**o at iba pang kawani ng paaralan.

Hinihikayat ang lahat na manatiling ligtas, alerto, at nakatutok sa mga opisyal na pabatid at tagubilin ng paaralan.

Mag-ingat at manatiling ligtas ang lahat! ❀️


Pagbisita ng Ating Tagamasid Pampurok  Isinagawa ngayong araw ang pagbisita ng ating minamahal na Tagamasid Pampurok, Dr...
17/08/2026

Pagbisita ng Ating Tagamasid Pampurok

Isinagawa ngayong araw ang pagbisita ng ating minamahal na Tagamasid Pampurok, Dr. Daniel V. Ortega, sa ating sintang paaralan.

Layunin ng pagbisita na masubaybayan ang kasalukuyang kalagayan ng paaralan at ang patuloy na pagpapatupad ng mga programa para sa kapakanan at pagkatuto ng ating mga mag-aaral.

Ang nasabing pagbisita ay nagsilbing mahalagang pagkakataon upang higit na mapagtibay ang pagtutulungan tungo sa patuloy na pagpapabuti ng mga programa nng paaralan.

Taos-pusong pasasalamat po, Dr. Daniel V. Ortega, sa inyong patuloy na paggabay, suporta, at malasakit.


San Miguel Corporation's Backyard Bukid OrientationIsinagawa ngayong araw sa Paaralang Elementarya ng Malipampang ang Sa...
17/08/2026

San Miguel Corporation's Backyard Bukid Orientation

Isinagawa ngayong araw sa Paaralang Elementarya ng Malipampang ang San Miguel Corporation's Backyard Bukid Orientation, bilang bahagi ng patuloy na pakikipagtulungan ng San Miguel Corporation at ng ating paaralan.

Layunin ng programa na ipakilala ang mga konsepto at praktikal na pamamaraan ng backyard gardening bilang hakbang sa pagsusulong ng food sustainability, wastong paggamit ng espasyo, at pagkakaroon ng mas matatag na mapagkukunan ng pagkain sa komunidad.

Sa pamamagitan ng makabuluhang partnership na ito, binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng paaralan at pribadong sektor sa pagpapatupad ng mga programang may pangmatagalang pakinabang para sa mga mag-aaral, paaralan, at komunidad.

Ang Backyard Bukid ay hindi lamang tungkol sa pagtatanim, kundi isang konkretong hakbang tungo sa paghubog ng kamalayan, responsibilidad, at pagpapahalaga sa pagkakaroon ng sapat at sustenableng pagkain.


ADM: Pagkatutong Lampas sa Silid-AralanSa kabila ng masamang panahon, nagpapatuloy ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral ...
17/08/2026

ADM: Pagkatutong Lampas sa Silid-Aralan

Sa kabila ng masamang panahon, nagpapatuloy ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM).

Sa bahay man ginaganap ang pag-aaral, patuloy na ginagampanan ng ating mga mag-aaral ang kanilang mga gawain sa tulong ng kanilang mga g**o at suporta ng kanilang mga magulang.


PABATID πŸ“’ Alinsunod sa opisyal na anunsyo ng Punong Bayan ukol sa pagsuspinde ng face-to-face classes bunsod ng masamang...
16/08/2026

PABATID πŸ“’

Alinsunod sa opisyal na anunsyo ng Punong Bayan ukol sa pagsuspinde ng face-to-face classes bunsod ng masamang lagay ng panahon, walang face-to-face na klase sa Paaralang Elementarya ng Malipampang ngayon araw, Agosto 17, 2026.

Ipatutupad ng paaralan ang HINAY (Ease-In) upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng ating mga mag-aaral habang higit na isinasaalang-alang ang kanilang kaligtasan, at kapakanan, gayundin ng ating mga g**o at iba pang kawani ng paaralan.

Mag-ingat at manatiling ligtas ang lahat! β™₯️


PAGPUPUGAY SA IKA-448 TAONG KASAYSAYAN NG BULACAN! πŸ‡΅πŸ‡­Buong-pusong nakikiisa ang Paaralang Elementarya ng Malipampang sa ...
15/08/2026

PAGPUPUGAY SA IKA-448 TAONG KASAYSAYAN NG BULACAN! πŸ‡΅πŸ‡­

Buong-pusong nakikiisa ang Paaralang Elementarya ng Malipampang sa pagdiriwang ng ika-448 Taong Pagkakatatag ng Dakilang Lalawigan ng Bulacan!

Sa loob ng 448 taon, ang Bulacan ay patuloy na naging saksi sa katapangan, karangalan, kultura, at makasaysayang ambag ng mga Bulakenyo sa paghubog ng ating bansa. πŸ‡΅πŸ‡­

Mabuhay ang Dakilang Lalawigan ng Bulacan! Mabuhay ang bawat Bulakenyo!


15/08/2026

Birthday Corner πŸŽ‚

Wishing you the biggest slice of happiness today. Happy Birthday, Dr. Asuncion V. Puno πŸŽŠπŸŽ‰πŸŽ‚

Warmest wishes and love on your birthday from your DepEd Tayo - Malipampang Elementary School πŸŽŠπŸŽ‚πŸ₯³

Address

Malipampang
San Ildefonso
3010

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Malipampang Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category