Gabihan High School

Directions Website

Gabihan High School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Gabihan High School, Public School, Gabihan, Bulacan, San Ildefonso.

πŸ“’ ADVISORY | WALANG FACE-TO-FACE CLASSESMagandang umaga, Gabihanians!Alinsunod sa anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng San Il...
12/07/2026

πŸ“’ ADVISORY | WALANG FACE-TO-FACE CLASSES

Magandang umaga, Gabihanians!

Alinsunod sa anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng San Ildefonso, walang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan ngayong Lunes, Hulyo 13, 2026.

πŸ“š Alternative Delivery Mode (ADM) muna ang ipatutupad upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto ng ating mga mag-aaral.

Inaanyayahan ang lahat ng mga mag-aaral at magulang na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga g**o para sa mga learning activities at iba pang mahahalagang anunsyo.

🌧️ Hinihikayat din ang lahat na manatiling maingat at unahin ang kaligtasan sa gitna ng patuloy na pag-ulan.

Maraming salamat at mag-ingat po tayong lahat.




πŸ“’ ANNOUNCEMENT GUIDELINES ON CLASS SUSPENSIONSDepEd Order No. 014, s. 2026🌧️ Mga minamahal na magulang, mag-aaral, at st...
09/07/2026

πŸ“’ ANNOUNCEMENT

GUIDELINES ON CLASS SUSPENSIONS
DepEd Order No. 014, s. 2026

🌧️ Mga minamahal na magulang, mag-aaral, at stakeholders ng Gabihan High School,

Bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan at upang matiyak ang kaligtasan ng lahat, narito ang Opisyal na Gabay sa Pagsuspinde ng Klase batay sa DepEd Order No. 014, s. 2026.

πŸ“Œ PAALALA:

🟒 HAYO – Walang bagyo o malakas na pag-ulan na nararanasan. Tuloy ang klase.

🟑 HINAY
β€’ Wind Signal No. 1 – Suspended ang klase sa Kinder.
β€’ Wind Signal No. 2 – Suspended ang klase mula Kinder hanggang Grade 10.
β€’ Yellow Rainfall Warning – Maaaring magsuspinde ng klase ang Local Chief Executive (Mayor) o iba pang kaugnay na ahensya.

🟠 HINGA
β€’ Wind Signal No. 3 o Orange Rainfall Warning – Awtomatikong suspendido ang lahat ng in-person classes at ALS sa lahat ng antas.

πŸ”΄ HINTO
β€’ Wind Signal No. 4–5 o Red Rainfall Warning – Awtomatikong suspendido ang lahat ng in-person classes at ALS sa lahat ng antas.

⚠️ Mahalagang Paalala:
βœ… Laging sundin ang mga opisyal na anunsyo mula sa DepEd, PAGASA, LGU San Ildefonso, at sa official page ng Gabihan High School.
βœ… Huwag magbahagi ng hindi beripikadong impormasyon upang maiwasan ang kalituhan.

πŸ›‘οΈ Ang kaligtasan ng bawat mag-aaral at kawani ang ating pangunahing prayoridad.

Tayo’y Handa, Tayo’y Ligtas! πŸ’šπŸ’›

Nagtatakda ang DepEd ng malinaw na kaukulang hakbang sa mga paglabag upang mapanatiling ligtas at maayos ang ating mga p...
05/07/2026

Nagtatakda ang DepEd ng malinaw na kaukulang hakbang sa mga paglabag upang mapanatiling ligtas at maayos ang ating mga paaralan.

Paalala ito sa mga magulang, mag-aaral, at paaralan: Ang disiplina ay hindi lamang pagtutuwid ng maling asal, kundi paghubog ng responsableng mamamayan.

Para sa iba pang impormasyon, basahin ang DO 006, s. 2026: www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DO_s2026_006r.pdf

ANNOUNCEMENT:Pinapaalalahanan ng DepEd ang lahat ng mag-aaral, magulang, at school personnel na may umiiral nang polisiy...
01/07/2026

ANNOUNCEMENT:

Pinapaalalahanan ng DepEd ang lahat ng mag-aaral, magulang, at school personnel na may umiiral nang polisiya na nagbabawal sa paggamit ng gadgets ng mga mag-aaral 𝐚𝐭 𝐬𝐜𝐑𝐨𝐨π₯ 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐧𝐞π₯ habang may klase o sa panahon ng instructional hours.

Pinapayagan lamang ang paggamit ng mga ito kung para sa layuning pang-edukasyon o sa oras ng emergency, alinsunod sa DepEd Order No. 006, s. 2026 o ang Guidelines on Ensuring Safe and Motivating Learning Environment (ESMLE).

Hinihikayat ang mga paaralan na palakasin ang information at advocacy campaigns upang matiyak ang tamang pagsunod sa polisiya at maisulong ang ligtas at responsableng paggamit ng internet at gadgets.

Basahin ang buong memorandum dito: https://www.deped.gov.ph/2026/07/01/reiteration-of-policies-on-the-safe-and-responsible-use-of-the-internet-and-related-devices/

Tingnan, Basahin at Unawain: Active Shooter Contingency Plan.The DepEd Tactical Playbook for Immediate Crisis Response f...
29/06/2026

Tingnan, Basahin at Unawain:
Active Shooter Contingency Plan.
The DepEd Tactical Playbook for Immediate Crisis Response for all Deped Schools.

DepEd Protocol in Shooting Incidents..
27/06/2026

DepEd Protocol in Shooting Incidents..

DepEd Protocol in Shooting Incident.

The safety and well-being of learners and school personnel must always come first. In times if crisis knowing the proper response can help protect lives, prevent harm and ensure an organized recovery program.





Ccto:

25/06/2026
MAHALAGANG PAALALA: ALAMIN ANG MGA DAPAT GAWIN KUNG MAY SCHOOL VIOLENCE (LOCKDOWN)Walang puwang ang karahasan sa ating m...
23/06/2026

MAHALAGANG PAALALA: ALAMIN ANG MGA DAPAT GAWIN KUNG MAY SCHOOL VIOLENCE (LOCKDOWN)

Walang puwang ang karahasan sa ating mga paaralan. Ngunit sa oras na hindi inaasahang banta sa seguridad ng lahat o school violence, mahalagang handa, kalmado, at alerto ang bawat g**o at mag-aaral upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Narito ang 9 na Hakbang sa Pag-Lockdown na dapat nating tandaan at isapuso:

1️⃣ Maging Alerto - Kung may nakitang away, barilan o anumang banta, agad na ipaalam sa pinakamalapit na g**o.
2️⃣ Pakinggan ang Anunsyo - Sundin agad ang anunsyo ng g**o o school personnel. Huwag magtanong. Huwag magpaloko.
3️⃣ Pumasok at Mag-Lockdown - Pumasok o manatili sa loob ng silid-aralan. Isara, at i-lock ang pinto. Harangan kung maari gamit ang mesa o upuan.
4️⃣ Manatiling Tahimik at Huwag Makialam - Manatiling tahimik. Huwag sumigaw, tumakbo, at huwag lumabas. Huwag makialam sa nangyayari sa labas.
5️⃣ Manatiling Nakatago at Lumayo sa Bintana - Lumayo sa pinto, bintana at labas ng silid. Yumuko o magtago sa ligtas na lugar.
6️⃣ Wag Gamitin ang Cellphone Maliban kung Kailangan - Huwag mag-video o mag-post. Manatiling tahimik at huwag makipag-ugnayan maliban kung inutusan ng g**o o pulis.
7️⃣ Maghintay ng Utos - Manatiling kalmado at hintayin ang karagdagang anunsyo ng g**o o mga awtoridad.
8️⃣ Ligtas na Paglabas - Kapag sinabing ligtas na, lumabas nang maayos, nakapila, at sumunod sa g**o.
9️⃣ Mag-ulat at Mag-ingat para sa Lahat - Ipaalam sa g**o ang nakita o nalaman. Tandaan, ang kaligtasan ng lahat ay responsibilidad nating lahat!

Magkasama tayo. Maging matalino. Manatiling ligtas.

Ibahagi ang impormasyong ito sa ating mga kasamahang g**o, magulang, at mga mag-aaral. Ang kahandaan ay susi sa ligtas na paaralan!

ππ€π†πŽππ† π„π—π“π„ππ’πˆπŽπ 𝐍𝐆 πŠπ€ππ“πˆππ€, ππ€π†πŽππ† π„π’ππ€π’π˜πŽ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŠπŽπŒπ”ππˆπƒπ€πƒ 𝐍𝐆 π†π€ππˆπ‡π€π π‡πˆπ†π‡ π’π‚π‡πŽπŽπ‹Isa na namang makabuluhang proyekto ...
20/06/2026

ππ€π†πŽππ† π„π—π“π„ππ’πˆπŽπ 𝐍𝐆 πŠπ€ππ“πˆππ€, ππ€π†πŽππ† π„π’ππ€π’π˜πŽ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŠπŽπŒπ”ππˆπƒπ€πƒ 𝐍𝐆 π†π€ππˆπ‡π€π π‡πˆπ†π‡ π’π‚π‡πŽπŽπ‹

Isa na namang makabuluhang proyekto ang matagumpay na naisakatuparan sa Gabihan High School sa pamamagitan ng pagpapagawa ng covered extension ng kantina na naglalayong magbigay ng mas maluwag, komportable, at ligtas na espasyo para sa ating mga mag-aaral at stakeholders.

Ang mga materyales at iba pang gastusin para sa proyekto ay mula sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng paaralan. Samantala, ang halagang β‚±20,000.00 na ipinagkaloob ni Cong. Mark Cholo I. Violago para sana sa pagpapagawa ng tent ay ginamit bilang pondo para sa labor ng mga manggagawang nagsagawa ng proyektong ito. Sa halip na pansamantalang tent, naging bahagi ito ng pagtatayo ng isang mas matibay at pangmatagalang pasilidad na magagamit ng buong komunidad ng paaralan.

Higit pa sa pagiging lugar-kainan, ang bagong pasilidad ay nagsisilbi ring venue para sa iba’t ibang programa, pagpupulong, at gawaing pampaaralan. Dahil wala pang Gymnasium ang Gabihan High School, dito rin matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang Parent-Teacher Orientation para sa School Year 2026–2027, na nagbigay ng mas maayos at komportableng lugar para sa pakikipag-ugnayan ng paaralan sa mga magulang at iba pang stakeholders.

Ang proyektong ito ay patunay ng mabuting paggamit ng mga pinagkukunang-yaman at ng sama-samang pagsisikap upang higit pang mapaunlad ang mga pasilidad ng paaralan para sa kapakinabangan ng buong komunidad.

Lubos ang aming pasasalamat kay Cong. Mark Cholo I. Violago sa kanyang suporta at sa ilalim ng pamumuno ng aming School Head, Ma’am Petronila T. Dela Torre, sa patuloy na pagpapaunlad ng mga pasilidad ng Gabihan High School para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral at ng buong komunidad.

Address

Gabihan, Bulacan
San Ildefonso
3010

Opening Hours

Monday 7:30am - 4:30pm
Tuesday 7:30am - 4:30pm
Wednesday 7:30am - 4:30pm
Thursday 7:30am - 4:30pm
Friday 7:30am - 4:30pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gabihan High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category