DepEd Renato Edaño Vicencio National High School

DepEd Renato Edaño Vicencio National High School A public secondary high school located in Brgy. Don Juan Vercelos, San Francisco, Quezon.

19/08/2026

𝙃𝘼𝙋𝙋𝙔 𝙆𝘼𝘼𝙍𝘼𝙒𝘼𝙉, 𝘿𝙊𝘾. 𝙍𝙊𝙉𝙄𝙀𝙇 𝙈. 𝙁𝙇𝙊𝙍𝘼𝙉𝙏𝙀🎉🎂

May your special day be filled with happiness and blessing.✨️

Greetings from the REVNHS Family💚🫶

𝗕𝗘𝗦𝗧 𝗢𝗙 𝗟𝗨𝗖𝗞, 𝗩𝗜𝗖𝗘𝗡𝗖𝗜𝗔𝗡𝗦!✨ 💚🤞Buong pusong susuporta ang REVNHS Family sa ating mga kalahok sa 𝐒𝐚𝐧 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬𝐜𝐨 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝟐 𝐅...
19/08/2026

𝗕𝗘𝗦𝗧 𝗢𝗙 𝗟𝗨𝗖𝗞, 𝗩𝗜𝗖𝗘𝗡𝗖𝗜𝗔𝗡𝗦!✨ 💚🤞

Buong pusong susuporta ang REVNHS Family sa ating mga kalahok sa 𝐒𝐚𝐧 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬𝐜𝐨 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝟐 𝐅𝐞𝐬𝐭𝐢𝐯𝐚𝐥 𝐨𝐟 𝐓𝐚𝐥𝐞𝐧𝐭𝐬 na gaganapin sa ating Brgy. Don Juan Vercelos, San Francisco, Quezon.

Ang tema ng nasabing programa ay “Buwig ng Talento, Buwig ng Pagkakaisa: Sama-samang Hinuhubog ang Kabataang Aurorahin.” 🌟

Ipakita ang inyong talento, talino, at husay! Anuman ang resulta, proud kami sa inyong lahat! 💚

Mabuhay at Good luck, Vicencians! Shine and give your best! ✨





19/08/2026

𝟭, 𝟮, 𝟯... 𝗚𝗢! 𝗸𝗮𝗻'𝘆𝗮 𝗸𝗮𝗻'𝘆𝗮 𝗻𝗮 '𝘁𝗼. 🕺💃👯‍♀️

"From classroom to dance floor" muna ang atake ng ating mga Gurong Vicencian para sa isang masayang intermission number kagabi sa FPTA Induction and Ball 2026!



𝗥𝗘𝗩𝗡𝗛𝗦, 𝗡𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗙𝗣𝗧𝗔 𝗜𝗻𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗕𝗮𝗹𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟲✨Sa kabila ng malakas na ulan, matagumpay na isinagawa kagabi, Agosto 18,...
19/08/2026

𝗥𝗘𝗩𝗡𝗛𝗦, 𝗡𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗙𝗣𝗧𝗔 𝗜𝗻𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗕𝗮𝗹𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟲✨

Sa kabila ng malakas na ulan, matagumpay na isinagawa kagabi, Agosto 18, 2026, ang 𝐅𝐞𝐝𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐏𝐚𝐫𝐞𝐧𝐭-𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐅𝐏𝐓𝐀) 𝐈𝐧𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐁𝐚𝐥𝐥 𝟐𝟎𝟐𝟔 sa Aurora Central Annex 1 Elementary School, na nilahukan ng 17 paaralan ng San Francisco District 2.

Buong puwersang nakiisa ang REVNHS sa pangunguna ni Gng. Maria Elena Balgemino, ASP2, at G. Eduardo Jusayan, SPTA President, bilang pagpapakita ng matatag na suporta at pakikiisa sa mga programa ng distrito.

Pinangunahan ni Vice Mayor Kzel Alega-Floresta ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng FPTA at SPTA, habang nagbigay naman ng mensahe sa mga dumalo si Dr. Roniel M. Florante, PSDS-San Francisco 2, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa at pakikipagtulungan ng paaralan, magulang, at pamayanan.

Tampok din sa gabing ito ang 𝐌𝐫. 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐫𝐬. 𝐅𝐏𝐓𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔, kung saan kinatawan ng REVNHS sina Ma’am Vanessa V. Anilao at Sir Jordan Fhel R. De Belen. Nakamit ni Sir Jordan ang Best in Introduction, habang nagwagi naman si Ma’am Vanessa bilang Best in Casual Wear.

Samantala, kapwa kinatawan ng Pugon Elementary School ang itinanghal na Mr. and Mrs. FPTA 2026.

Sa kabila ng sama ng panahon, muling pinatunayan ng mga paaralan ng San Francisco District 2 na walang ulan ang makapipigil sa pagkakaisa at suporta para sa edukasyon.

Mabuhay San Francisco Dos!🥳

💚

𝐖𝐄𝐋𝐂𝐎𝐌𝐄 𝐓𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐍𝐇𝐒, 𝐌𝐀’𝐀𝐌 𝐂𝐇𝐎𝐍𝐀! 💚✨Malugod ka po naming tinatanggap sa aming REVNHS Family, Ma’am Chona! Nawa’y maging ma...
16/08/2026

𝐖𝐄𝐋𝐂𝐎𝐌𝐄 𝐓𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐍𝐇𝐒, 𝐌𝐀’𝐀𝐌 𝐂𝐇𝐎𝐍𝐀! 💚✨

Malugod ka po naming tinatanggap sa aming REVNHS Family, Ma’am Chona! Nawa’y maging makabuluhan, masaya, at puno ng magagandang karanasan ang iyong bagong paglalakbay kasama ang aming Vicencian community.

Looking forward to sharing meaningful moments, learning, and growing together.

Welcome to REVNHS, Ma’am Chona! 🎉

𝐅𝐀𝐑𝐄𝐖𝐄𝐋𝐋 𝐀𝐍𝐃 𝐓𝐇𝐀𝐍𝐊 𝐘𝐎𝐔, 𝐓𝐄𝐀𝐂𝐇𝐄𝐑 𝐑𝐎𝐘! 💚Taos-pusong pasasalamat sa iyong pitong taong serbisyo, dedikasyon, at pagmamahal ...
16/08/2026

𝐅𝐀𝐑𝐄𝐖𝐄𝐋𝐋 𝐀𝐍𝐃 𝐓𝐇𝐀𝐍𝐊 𝐘𝐎𝐔, 𝐓𝐄𝐀𝐂𝐇𝐄𝐑 𝐑𝐎𝐘! 💚

Taos-pusong pasasalamat sa iyong pitong taong serbisyo, dedikasyon, at pagmamahal sa ating paaralang REVNHS. Ang mga alaala at ambag na iniwan mo sa ating Vicencian community ay mananatiling bahagi ng ating kuwento.

Hangad namin ang iyong tagumpay at kaligayahan sa iyong bagong paaralan. Nawa’y maging makabuluhan at matagumpay ang panibagong yugto ng iyong paglalakbay.

Ingat po lagi at manatili kang masharaf✌️at malusog🥰

Mabuhay ka Teacher Roy🫡

Nagmamahal,
REVNHS Family💚

𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐒𝐈𝐆 𝐚𝐭 𝐈𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐊𝐈𝐓 𝟐𝟎𝟐𝟔👑✨Naging tampok sa Induction and Ball 2026 ng Renato Edaño Vicencio National High Sch...
15/08/2026

𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐒𝐈𝐆 𝐚𝐭 𝐈𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐊𝐈𝐓 𝟐𝟎𝟐𝟔👑✨

Naging tampok sa Induction and Ball 2026 ng Renato Edaño Vicencio National High School noong Agosto 14, 2026 ang On-the-Spot Search for Amang Makisig at Inang Marikit 2026.

👑Amang Makisig 2026
SK Marvin Cuyos (Grade 10 Representative)

👑Inang Marikit 2026
Marilou Maglinte (Grade 12 Representative)

🥇1st Runner-Up Amang Makisig
Esmeraldo Sillar (Grade 9 Representative)

🥇1st Runner-Up Inang Marikit
Cristy Ortega (Grade 10 Representative)

🥈2nd Runner-Up Amang Marikit
Noel Cosino (Grade 7 Representative)

🥈2nd Runner-Up Inang Marikit
Kiecelyn Dela Cruz (Grade 7 Representative)

Special Award:
Amang Talekero : Paul John Zaño (Grade 12 Representative)
Inang Talakera : Kiecelyn Dela Cruz (Grade 7 Representative)

Higit pa sa saya at paligsahan, ipinakita ng mga magulang na Vicencian ang kanilang pagiging laging handa at buong-pusong suporta sa mga programa ng paaralan. Ang nalikom na pondo mula sa nasabing patimpalak ay ilalaan bilang karagdagang suporta para sa mga mag-aaral na kalahok sa nalalapit na Palarong Quezon at Festival of Talents.

Muli, mula sa pamunuan ng REVNHS, isang taos-pusong pasasalamat po sa inyong lahat. 💚✨







𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗕𝗜, 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔, 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗬𝗨𝗡𝗜𝗡✨💚Isang makabuluhan at masayang gabi ang naging Induction & Ball 2026 ng REVNHS ...
15/08/2026

𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗕𝗜, 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔, 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗬𝗨𝗡𝗜𝗡✨💚

Isang makabuluhan at masayang gabi ang naging Induction & Ball 2026 ng REVNHS nitong Agosto 14, 2026, isang gabi ng panunumpa sa tungkulin, pagkakaisa, paglilingkod, at pagdiriwang.

Nanumpa sa kanilang tungkulin ang SPTA Officers, Homeroom PTA Officers ng 14 na seksyon, Faculty Officers, SSLG, YES-O, BKB, SRCYC, at YECS Officers, sa pangunguna ni Brgy. Captain Rosemarie R. Ayade.

Naging mas masaya at makulay ang gabi sa 𝐎𝐧-𝐭𝐡𝐞-𝐒𝐩𝐨𝐭 𝐒𝐞𝐚𝐫𝐜𝐡 𝐟𝐨𝐫 𝐀𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐤𝐢𝐬𝐢𝐠 𝐚𝐭 𝐈𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐤𝐢𝐭 𝟐𝟎𝟐𝟔 sa pangunguna ni G. Eduardo Jusayan, SPTA President at Teacher Phillip Matudio, Faculty President.

Mula po sa pamunuan ng REVNHS, maraming salamat sa lahat ng nakilahok, nakisaya, at naglaan ng oras. Ang inyong presensya at pakikiisa ang tunay na nagbigay-buhay sa gabing ito.

Mabuhay ang pagkakaisa! Mabuhay ang REVNHS Family! 💚✨



14/08/2026

𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗞𝗮𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻, 𝗠𝗮'𝗮𝗺 𝗠𝗶𝗰𝗵𝗲𝗹𝗹𝗲 🎉🥂

Nawa'y maging masaya, makulay at puno ng blessings ang iyong espesyal na araw✨️

𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗕𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔, 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚! ✨🎉✨ Ang Renato Edaño Vicencio National High School ay buong-pusong ...
12/08/2026

𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗕𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔, 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚! ✨🎉✨

Ang Renato Edaño Vicencio National High School ay buong-pusong nag-aanyaya sa ating mga minamahal na magulang at tagapag-alaga na makiisa sa isang espesyal na gabi ng pagkilala, pagkakaisa, at pagsasama-sama! 💚

👑 INDUCTION AND BALL 2026 👑
Isang natatanging pagtitipon na naglalayong pagtibayin ang ugnayan ng paaralan, mga magulang, at buong pamayanan ng REVNHS.

📅 Biyernes | Agosto 14, 2026
⏰ 6:00 ng gabi
📍 Renato Edaño Vicencio National High School

Ano po, tara?
Vicencian Parents and Guardians! Sama-sama tayong magdiwang! Hinihintay po namin kayo! 🌟Ang inyong presensya ay mahalagang bahagi ng ating pagdiriwang.💚


Address

DON JUAN VERCELOS
San Francisco
4315

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Renato Edaño Vicencio National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Renato Edaño Vicencio National High School:

Shortcuts

Share

Category