DepEd Tayo Loawan ES San Francisco, Quezon Province

DepEd Tayo Loawan ES San Francisco, Quezon Province

Share

Sulong Edukalidad.

25/05/2026

πŸ“šβœ¨ ENROLLMENT IS NOW OPEN! βœ¨πŸ“š

Ang edukasyon ay pundasyon ng magandang kinabukasan. Sa Loawan Elementary School, sama-sama nating bubuksan ang pintuan ng kaalaman, pangarap, at pag-asa para sa bawat batang Pilipino. πŸ’™πŸ’›

Inaanyayahan namin ang mga magulang at tagapag-alaga na ipatala na ang kanilang mga anak para sa Kindergarten at Grade 1 hanggang Grade 6. Siguraduhing kumpleto ang mga kinakailangang dokumento upang maging maayos at mabilis ang proseso ng enrollment. πŸ“πŸ‘§πŸ‘¦

Kasabay nito, ipinapaalala rin natin ang tunay na layunin ng Brigada Eskwela β€” ang pagtutulungan ng buong komunidad upang maihanda ang paaralan para sa ligtas, malinis, maayos, at mas masayang pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral. 🧹🌱🎨

πŸ“ Loawan Elementary School
πŸ—“οΈJune 1- 5, 2026

πŸ“– Sama-sama para sa dekalidad at makabuluhang edukasyon!






Photos from DepEd Tayo Loawan ES San Francisco, Quezon Province's post 25/05/2026

βœ¨πŸ“š BRIGADA ESKWELA 2026 πŸ«πŸ’™πŸ’š

Sa bawat pagwawalis, pagpipintura, pagtatanim, at pagtutulungan β€” unti-unti nating binubuo ang isang paaralang puno ng pag-asa, kaalaman, at pagmamahalan. 🌱🎨🧹

Inaanyayahan ng Loawan Elementary School ang lahat ng magulang, g**o, mag-aaral, alumni, at mga katuwang sa komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela 2026. Ang inyong simpleng oras, talento, at tulong ay malaking ambag para sa mas ligtas, mas malinis, at mas maayos na kapaligiran ng ating mga mag-aaral. 🀝✨

πŸ“… June 1–5, 2026
πŸ“ Loawan Elementary School

β€œSama-sama para sa malinis, ligtas, at makabuluhang pagkatuto.”
Dahil kapag nagkakaisa ang komunidad, mas nagiging matatag ang edukasyon ng bawat bata. πŸ’–πŸ‡΅πŸ‡­





Photos from DepEd Tayo Loawan ES San Francisco, Quezon Province's post 17/05/2026
14/05/2026

HAPPY BIRTHDAY Ma'am Cliere Ann Atatado!

May your special day be filled with love, joy, and beautiful moments with the people who cherish you most. Thank you for your kindness, dedication, and the positivity you bring to everyone around you. Wishing you good health, happiness, and countless blessings in the years ahead. Enjoy your dayβ€”you truly deserve it!

12/05/2026
Photos from DepEd Tayo Loawan ES San Francisco, Quezon Province's post 12/05/2026

Monitoring of Tara, BASA Program and DepEd Project HANDA
May 12, 2026

Ma’am Vilma Villapando Dela Cruz, PSDS, conducted the monitoring of the Tara BASA Program at Loawan Elementary School.

In line with DepEd Project HANDA, Sir Dennis L. Villasin also conducted and monitored the midpoint onsite validation of the PPAs stated in the checklist to ensure the proper implementation of school programs and activities.

Loawan Elementary School sincerely thanks Ma’am Vilma V. Dela Cruz and Sir Dennis L. Villasin for their guidance, support, and commitment in helping improve the programs and services for our learners.

05/05/2026

πŸ“’ UPDATE | Patuloy na Pagpapagawa ng TLS

Patuloy ang pagsusumikap ng ating paaralan para sa pagpapagawa ng TLS upang mas mapabuti ang ating pasilidad para sa mga mag-aaral.

Lubos po kaming nagpapasalamat kina Ma’am Liza A. Calinog at G. Reynante Calinog sa kanilang kabutihang-loobβ€”sa pagbibigay ng kahoy at sa pagpapahiram ng tricycle na ginamit sa paghahakot ng mga materyales na kailangan sa TLS.

Malaki po ang inyong naitulong sa pagpapatuloy ng proyektong ito. Maraming salamat po sa inyong suporta at malasakit sa ating paaralan! πŸ™πŸ’™




Photos from DepEd Tayo Loawan ES San Francisco, Quezon Province's post 04/05/2026

✨ TARA, BASA!✨

Ngayong ika-4 ng Mayo 2026, sinimulan namin ang TARA, BASA! Tutoring Program upang higit pang mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa ng aming mga mag-aaral.

Pinangunahan ng aming mga tutors mula sa State University ang gawain:
πŸ‘©β€πŸ« Mam Maryjoy Escovidal
πŸ‘©β€πŸ« Mam Kimberly Lipaopao
πŸ‘©β€πŸ« Mam Clariss Ann Edades (YDW)

Buong pusong sinuportahan at pinangunahan ng aming punong-g**o na si Sir Arnold Tadiosa Baldevia ang programang ito.

Dumalo at nakiisa ang mga magulang at mga mag-aaral na kabilang sa programa, na nagpapakita ng kanilang aktibong pakikiisa sa layunin nitong mapaunlad ang pagbasa.

πŸ“– Sama-sama nating palakasin ang kakayahan sa pagbasa!

πŸ“Œ Disclaimer: In compliance with the Data Privacy Act of 2012, consent was obtained from parents/guardians prior to posting any photos of pupils. All images were used with proper permission and for educational purposes only.

Photos from DepEd Tayo Loawan ES San Francisco, Quezon Province's post 03/05/2026

Taos-pusong nagpapasalamat ang aming paaralan kina Mr. Grayson Pardilla Dela Cruz at Mrs. Babylyn Ursabia Dela Cruz sa kanilang bukas-palad na pagbibigay ng 5 sako ng semento. πŸ™

Malaki po ang maitutulong ng kanilang donasyon sa patuloy naming pagsasaayos at pagpapabuti ng mga pasilidad upang mas maging ligtas at maayos ang kapaligiran para sa aming mga mag-aaral. πŸ’™

Patuloy po ninyong pinatutunayan ang diwa ng bayanihan at malasakit sa edukasyon. Maraming salamat po at nawa’y pagpalain pa kayo! ✨



Photos from DepEd Tayo Loawan ES San Francisco, Quezon Province's post 22/04/2026

BUWIG NG TALINO 2026

Ang Loawan Elementary School ay nakilahok sa makabuluhang gawaing ito at taos-pusong kinikilala ang aktibong pakikilahok ni Princess Janel B. Frias sa BUWIG NG TALINO 2026.

Ipinamalas niya ang sipag, determinasyon, at kahusayan na sumasalamin sa galing ng ating mag-aaral.

Lubos na pasasalamat sa mga magulanG at sa kanyang tagapagsanay, Ma’am Leslie Alim Perigrin-Gonzalo , sa dedikasyon at patuloy na paggabay upang malinang ang kanyang kakayahan.

✨ Patuloy na isinusulong ng paaralan ang kahusayan at paghubog ng talento ng bawat mag-aaral. Maraming salamat at pagpupugay!

πŸ“Œ Disclaimer: In compliance with the Data Privacy Act of 2012, consent was obtained from parents/guardians prior to posting any photos of pupils. All images were used with proper permission and for educational purposes only.




Photos from DepEd Tayo Loawan ES San Francisco, Quezon Province's post 22/04/2026

✨ BEHIND EVERY VICTORY IS A GRATEFUL HEART ✨

Buong pusong ipinagmamalaki ng Loawan Elementary School ang tagumpay ni Yojan Shonn R. Malupa, Kampeon sa BUWIG NG TALENTO 2026 (Madulang Pagsasalaysay) πŸ†πŸŽ­

Lubos kaming nagpapasalamat sa mga magulang ni Yojan at sa buong Loawan ES Family sa walang sawang suporta.

Taos-puso rin ang pasasalamat kina Sir Nikko Belbes (Trainer) at Sir Christian CalipAy BEnal (Coach) sa dedikasyon at gabay upang mahubog ang kanyang talento.

Sa aming School Principal, Sir Arnold Tadiosa Baldevia sa patuloy na paggabay at suporta, Gayundin sa aming Public Schools District Supervisor Mam Vilma Villapando Dela Cruz sa inyo pong suporta at bahagi ng tagumpay na ito.

✨ Isang tagumpay na bunga ng pagkakaisa, sipag, at suporta ng lahat. Maraming salamat po!

πŸ“Œ Disclaimer: In compliance with the Data Privacy Act of 2012, consent was obtained from parents/guardians prior to posting any photos of pupils. All images were used with proper permission and for educational purposes only.





Want your school to be the top-listed School/college in San Francisco?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


San Francisco
4315

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm