07/08/2026
ISANG GABING PUNO NG GANDA, SAYA, AT PASASALAMAT!
Matagumpay na isinagawa ng Loawan Elementary School ang Induction & Ball and Coronation Night of Mrs. SPTA 2026, isang gabing puno ng saya, elegance, talento, at pagkakaisa ng buong school community.
Pinangunahan at ginabayan ng aming Ulong G**o I, Sir John Howard D. Nombrefia, ang paghahanda at pagsasagawa ng makabuluhang okasyong ito. Maraming salamat, Sir Howard, sa inyong leadership, suporta, at dedikasyon upang maging matagumpay ang bawat bahagi ng programa
Taos-puso naming pinasasalamatan ang aming mahusay na panel of judges na sina Sir Jehiel S. Llagas, Sir Ian H. Hernandez, at Maโam Rosebel R. Pedregosa. Maraming salamat sa inyong oras, effort, at patas na paghusga na nagbigay-kulay sa ating coronation night. ๐
Nagpapasalamat din kami sa aming mga bisita sa pangunguna ng aming butihing Kapitan Judy A. Casinillo, kasama ang mga Barangay Kagawad, at si Andrewy Vonn Aguila, kinatawan ng Office of the Mayor. Salamat sa inyong pakikiisa at patuloy na suporta sa Loawan ES! ๐
Maraming salamat din sa aming SPTA officers, parents, at teachers na sama-samang naglaan ng oras, talento, at effort upang maging matagumpay ang napakagandang gabing ito.
At higit sa lahat,Taos-pusong pasasalamat kay Vice Mayor Jean Criscelene A. Floresta sa kanyang generous sponsorship ng mga bigas na ipinaraffle para sa ating mga dumalo. ๐๐๏ธ Tunay na naging mas exciting ang gabi dahil may chance pang umuwi ng may bigas.
Sa lahat ng nakibahagi, maraming salamat sa inyong suporta! Sama-sama nating pinatunayan na kapag ang school, parents, barangay, at local government ay nagtutulungan, nagiging mas makulay at mas matagumpay ang bawat programa.
๐ Congratulations, Mrs. SPTA 2026!