17/07/2026
JULY 15, 2026
Bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaligtasan sa Tayuman Elementary School, nag pasalamat po kami sa pagsasagawa ng inspeksyon ang ating PSDS Doc. Vilma V. Dela Cruz at ang MRRMO sa pangunguna ni Engr. Leopoldo Garcia,MDRRMO Head
kasama ang School DRRM Team, sa mga gusali ng paaralan.
Natukoy sa isinagawang inspeksyon ang ilang bitak sa mga pader at pagbaba ng sahig sa ilang silid-aralan na nangangailangan ng karagdagang teknikal na ebalwasyon. Patuloy na nakikipag-ugnayan ang paaralan sa mga kinauukulang tanggapan upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.