21/08/2026
🇵🇭 CAMOTESNHS, KUMIKINANG SA WIKA, KASAYSAYAN, AT KULTURA! 🇵🇭
Isang masigla, makabuluhan, at makulay na pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Buwan ng Kasaysayan ang nasaksihan sa Camotes National High School, tampok ang iba’t ibang patimpalak na nagbigay-daan upang maipamalas ng ating mga mag-aaral ang kanilang talino, talento, pagkamalikhain, husay, at pagmamahal sa wikang Filipino, kasaysayan, at kulturang Pilipino.
Sa bawat pagtatanghal, pagbigkas, pag-awit, pagsulat, at malikhaing pagpapahayag, muling pinatunayan ng mga mag-aaral ng CamotesNHS na ang kabataan ay hindi lamang tagapagmana ng kasaysayan—sila rin ay tagapag-ingat at tagapagpatuloy nito.
🎬 DOCUMENTARY FILM
🥇 1st Place – Grade 10 Honesty
🥈 2nd Place – Grade 10 Loyalty
🥉 3rd Place – Grade 10 Charity
🏅 Special Awards:
✨ Best in Editing – Grade 10 Honesty
✨ Best in Script Writing – Grade 10 Loyalty
✨ Best in Cinematography – Grade 10 Charity
🪶 BALAK
🥇 1st Place – Carl Andrei Wenceslao (Grade 11)
🥈 2nd Place – Reynald N. Batidor (Grade 7)
🥉 3rd Place – Cris Saint Eltagunde (Grade 10)
📜 HISTO-POP
🥇 1st Place – Jhon Carl Formentera, Grade 10 Loyalty
🥈 2nd Place – Therese Margarit Nagsuban, Grade 10 Humility
🥉 3rd Place – Mhykaila Denisse Miao, Grade 10 Humility
🎤 EXTEMPORANEOUS SPEAKING
🏆 Champion – Althea Fate Ligtas
🎶 VOCAL SOLO
🥇 1st Place – Jeo Ostria (Grade 12)
🥈 2nd Place – Ylny D. Orillo (Grade 9)
🥉 3rd Place – Andrie Shannylle Lahoylahoy
🎼 DUET
🥇 1st Place – Stacy Anne Barrida & Samantha Donaire (Grade 10)
🥈 2nd Place – Lyka Niña F. Cebuano & Cristyleh C. Ostria
🥉 3rd Place – Rennielyn Antolijao & Mary Antoniette S. Miao (Grade 9)
🎭 BALITAW
🥇 1st Place – Felize Faye Kwek & Kryll James Llyod A. Luchavez
🥈 2nd Place – Reynald N. Batidor & Reyna Jane S. Padillo
🥉 3rd Place – John Raymund Latonio & Nicole F. Nastor (Grade 9)
🎉 Taos-pusong pagbati sa lahat ng mga nagwagi at kalahok!
Ang inyong tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa mga medalya at pagkilala. Higit sa lahat, ipinakita ninyo na ang wika ay buhay, ang kasaysayan ay mahalaga, at ang kultura ay patuloy na namumuhay sa puso ng bawat kabataang Pilipino.
💙 TAOS-PUSONG PASASALAMAT
Ang tagumpay ng mga patimpalak na ito ay naging posible dahil sa walang-sawang suporta at paggabay ng ating minamahal na Punongg**o, Dr. Gualberto C. Otadoy Jr., na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon at suporta sa mga programang naglalayong linangin ang talento at pagmamahal ng mga mag-aaral sa wika, kasaysayan, at kultura.
Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng masisipag at dedikadong g**o sa Filipino at Araling Panlipunan ng CamotesNHS na buong puso at tiyagang gumabay, nagsanay, naglaan ng oras, at nagpaunlad sa kakayahan ng ating mga mag-aaral. Ang inyong dedikasyon at malasakit ang naging mahalagang bahagi ng bawat tagumpay.
Sa bawat salita, himig, kuwento, galaw, at pagtatanghal, patuloy nating isinasabuhay ang ating pagkakakilanlan at ipinagmamalaki ang ating pagiging Pilipino. 🇵🇭❤️
Mabuhay ang mga talento ng CamotesNHS!
Mabuhay ang ating mga g**o!
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang ating Kasaysayan at Kultura! 🇵🇭✨