04/08/2026
🇵🇭⚜️ Wika at Pagka-Iskawt: Tinig ng Kabataan, Diwa ng Paglilingkod! ⚜️🇵🇭
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ating higit na pagyamanin at ipagbunyi ang Wikang Filipino—ang buhay na sagisag ng ating kultura, kasaysayan, at pambansang pagkakakilanlan.
Bilang mga Iskawt ng Pampanga High School, isinasabuhay natin ang wagas na pag-ibig sa Inang Bayan, hindi lamang sa pamamagitan ng mga salitang binibigkas, kundi higit sa marangal na paglilingkod, matatag na disiplina, diwang pagkakaisa, at taos-pusong malasakit sa kapwa.
Nawa'y sa bawat pananalita at bawat gawaing ating ginagampanan ay patuloy nating maitanghal ang dangal ng pagiging tunay na Pilipino at mapanatiling nag-aalab ang diwa ng paglilingkod na siyang tatak ng isang Scout.
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang Kabataang Iskawt! ⚜️🇵🇭
Pubmat Credits 🖼️🖌️: Zara Dominique Dizon