20/10/2022
Saan ka punta, road trip, pahinga, uwi sa pamilya? π
Planuhin mo na 'yan, kabsat! Dahil paparating na ang Undas long-weekend!
Sa bisa ng Proclamation No. 79 na inilabas kahapon, October 18, 2022, ni Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos, idineklara ang October 31, 2022 bilang "Special Non-Working Holiday" upang mabigyan ng mas mahabang oras ang bawat pamilyang Pilipino na magkasama-sama at tumangkilik sa lokal na turismo sa bansa.
Iba-iba man ang ating mga plano sa paparating na bakasyon, huwag nating kalimutan ang totoong kahulugan ng mga araw na ito. Tayo'y magbigay-galang sa mga alaala ng mga namahingang mahal natin sa buhay.
Sama-sama tayong magtulungan at magkaisa para sa mapayapa at organisadong paggunita ng Undas dito sa !