17/08/2026
President Bongbong Marcos at Sec Kiko Benitez nakibahagi sa kauna-unahang pagkakataon para sa Mass Graduation ng 1,150 TESDA scholars sa Ilocos Norte
Isang makabuluhang araw para sa TESDA Ilocos Norte ang isinagawang 1st Ever TESDA Ilocos Norte Mass Graduation Ceremony noong 7 August, 2026, na dinaluhan bilang Guest of Honor and Speaker ni President Ferdinand R. Marcos Jr., kasama si TESDA Director General Secretary Kiko Benitez.
Umabot sa 1,150 TESDA scholars mula sa 23 TESDA-accredited training institutions ang matagumpay na nagtapos ng kanilang competency-based training sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) at Special Training for Employment Program (STEP).
Dinaluhan din ito nina Hon. Ferdinand Alexander A. Marcos III (Sandro Marcos), Representative ng 1st Congressional District ng Ilocos Norte; Hon. Angelo Marcos Barba, Representative ng 2nd Congressional District; Governor Cecilia Araneta Marcos; at iba pang national at local government officials, partners, training institutions, trainers, at stakeholders.
Nakiisa rin sa makasaysayang okasyon si TESDA Regional Director Ramon Evan T. Ruiz, na patuloy na sumusuporta sa paghahatid ng de-kalidad na technical-vocational education and training sa buong rehiyon.
Para kay TESDA Ilocos Norte Provincial Director Sharon Sinlao Estigoy, isang malaking karangalan ang pagho-host ng unang Mass Graduation at maipakita ang malaking ambag ng TVET sa paghubog ng mga skilled at handang manggagawa.
Ang pagdalo ni President Marcos ay nagpapakita rin ng patuloy na suporta ng pamahalaan sa skills development, employment, at paglikha ng mas magandang oportunidad para sa mga Pilipino.
Sa kanyang talumpati, binanggit ng Pangulo ang paglaan ng halos PhP19bilyon ngayong taon para sa mga scholarship program upang mas maraming Pilipino pa ang magkaroon ng pagkakataong matuto at magkaroon ng magandang hanapbuhay. Ito ang itinuturing na pinakamalaking budget sa kasaysayan ng TESDA.
Maraming salamat sa lahat ng opisyal, TESDA personnel, training institutions, trainers, assessors, scholars, pamilya, industry partners, LGUs, at stakeholders na naging bahagi ng makasaysayang pagdiriwang na ito.
At higit sa lahat, congratulations sa ating 1,150 graduates! Nawa'y maging daan ang inyong mga natutunang skills sa trabaho, negosyo, livelihood, at mas magandang kinabukasan.