TARA NA’T MANOOD AT BUMOTO!
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, tampok ang malikhaing galing ng ating mga Baitang 9 at 10 sa isang patimpalak ng Music Video ng Polosa Kapampangan!
Panoorin ang kanilang mga obra at iboto ang sa tingin mong pinaka-kahanga-hanga!
Bumoto sa pamamagitan ng Google Form sa link na ito:
https://docs.google.com/forms/d/1qoIXoBzEFJSdENkhND5UklR8irxKkUVG6WmFYtj3mcI/edit
⏰ Bukas lamang ang botohan hanggang 8:00 AM bukas ng umaga, kaya huwag magpahuli!
📌 Lahat ng kalahok ay may pahintulot ng magulang para lumahok sa paligsahan na ito.
Timpucan - ICTHS
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Timpucan - ICTHS, High School, San Fernando.
Nasa harapan mo na ang tunay na kaganapan, oras na para ito’y agapan. ✊
Huwag nang mag-atubili. Halina’t sumali sa Timpucan at maging bahagi ng Tinta at Kalayaan 🖋️
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdRRQHIQhgENF8cLY6WhF-Ury-E7R49WF1TbBcwE3hJUCEjzA/viewform?usp=pp_url
🎥: Sancho De Leon
Tinta at kalayaan, Timpucan.
28/09/2023
Isang mapagpalayang araw, ICTZENS! 💙💛 Handa ka na bang maging bahagi ng aming samahang naglalayong maghatid ng katotohanan gamit ang tinta ng kalayaan? Halina sa TIMPUCAN!
Bukas, ika-29 ng Septyembre, gaganapin ang Schools Press Conference (SPC) na magsisimula ng alas-otso ng umaga. Narito ang iskedyul, lugar ganapan at ilang tagubilin para bukas.
Siguraduhing nasa Journalism Room na SAMPUNG MINUTO bago ang nakatakdang oras ng kategoryang sasalihan.
> 8:00-9:00 - PAGSULAT NG BALITA AT PAGSULAT NG KOLUMN
• Siguraduhing may dalang PANULAT (ballpen).
>8:00-10:00 - PAGKUHA NG LARAWAN
• Magdala ng SARILING Digital Camera na hanggang 21 MEGAPIXELS at MEMORY CARD.
> 9:00-10:00 - LATHALAIN AT LATHALAING PANG-AGHAM
• Siguraduhing may dalang PANULAT (ballpen).
>10:00-11:00 - PAGSULAT NG EDITORYAL AT PAGGUHIT NG KARTUNING PANG-EDITORYAL
• Para sa pagsulat ng editoryal, siguraduhing may dalang PANULAT (ballpen).
• Para sa pagguhit ng kartuning pang-editoryal, magdala ng MONGGOL #2 na lapis at PAMBURA.
>11:00-12:00 - PAG-UULO AT PAGWAWASTO NG BALITA AT BALITANG PAMPALAKASAN
• Siguraduhing may dalang PANULAT (ballpen).
Para sa inyong mga katanungan, maaari niyo kaming lapitan sa aming FB Page (https://www.facebook.com/timpucanicths?mibextid=LQQJ4d)
Kapsyon mula kay : Heart Lozano
Kagamitang Publisidad mula kay: Desiree Mañozo
16/02/2023
ICTzen, handa ka na bang maging kabahagi ng samahang Timpucan?
Halina’t ipamalas ang angking galing sa larangan ng pagsulat at pamamahayag!
Ito na ang pagkakataon mo upang buksan ang pinto ng ginintuang pagkakataon at maging tunay na alagad ng katotohanan gamit ang dalawang makapangyarihang armas— ang tinta at kalayaan, para sa mapagpalayang kinabukasan.
Mangyaring tumungo sa inihandang Google Forms Link o kaya i-scan ang QR Code upang makapag-rehistro: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe93ZVBxqHoyMcxdZmfRFeW3K3bu3LMsLuhf48Db_0Ha_X3ww/viewform
Edit ni: Arabella Aralar
Abangan ang pagbabalik ng samahang layong maging kampilan ng inklusibong pagbabago gamit ang dalawang makapangyarihang armas: ang tinta at kalayaan, para sa mapagpalayang kinabukasan.
Pebrero Diyesisyete, Dos Mil Bente Tres ~ Malapit Na! 💙✍🏼
Camera Man: Sebastian Thomas Mones
Inedit ni: Angela Noreen Aralar
Sa direksyon ni: Nicolle Ann Althea Vergara
30/07/2022
27/11/2021
ICTHS, Isa Nang Ganap na Level 3 SBM-Accredited School sa Buong Rehiyon 3
ni Alyssa A. Alonzo
Opisyal nang kinilala ang Information and Communication Technology High School (ICTHS) bilang ganap na Level 3 School-Based Management (SBM) Accredited School sa buong Rehiyon 3 matapos ipagdiwang ang ikalawang taong programa ng Regional SBM Congress kahapon, ika-26 ng Nobyembre sa Pulungbulu, Angeles City.
Ayon kay DepEd Regional Office III-Director May B. Eclar, tanging 100 o humigit kumulang 3% ng mga nangungunang pampublikong eskwelahan sa buong Rehiyon 3 ang nakatatanggap pa lamang ng nasabing pagkilala.
Kabilang na rito ang tatlong pampublikong paaralan ng elementarya na mula rin sa City Schools Division of San Fernando, Pampanga (SDO-CSFP) na binubuo ng Del Rosario Elementary School, Sindalan Elementary School, at San Fernando Elementary School.
Mula naman sa mga pampublikong paaralan ng sekondarya sa Dibisyon ng San Fernando, kasama ng ICTHS ang Sta. Lucia Integrated School at Telabastagan Integrated School sa pagtanggap ng naturang prestihiyosong pagkilala.
Samantala, binigyang-linaw naman ni Bb. Eclar na ang nasabing programa ay hindi lamang sumesentro sa pagkilala sa 100 paaralan mula sa Rehiyon 3 na pumasa sa masalimuot na proseso ng SBM Accreditation, bagkus ito rin umano ang nagsisilbing-daan para higit na mabigyan ng pagpupugay ang dedikasyon at pagsisikap na ipinamalas ng lahat ng mga taong tumulong at nakibahagi sa aktibidad para maging ganap itong matagumpay sa kabila man ng kinahaharap na pandemya.
Edit ni Shaun Sagmit
29/10/2021
Estudyanteng mamamahayag ng ICTHS, handa ka na bang makiisa bilang alagad ng tinta at kalayaan? Puwes, ito na ang iyong pagkakataon para mapabilang sa samahan ng Timpucan sa pamamagitan ng pagsagot sa aming preregistration form sa ibaba. Ang deadline ng nasabing preregistration ay nakatakda sa Martes, ika-2 ng Nobyembre.
PREREGISTRATION FORM: https://forms.gle/pJwZht8acwunJoUVA
Inaasahan naming lubos ang iyong masugid na pakikibahagi sa aming matagumpay na pamamahayag!
Aplikasyon sa Publikasyong Timpucan Mga naghahangad na mamahayag, dito na nagsisimula ang inyong gintong pagkakataon upang maging alagad ng tinta at kalayaan. Sumali na sa Timpucan! Gmail: [email protected] Facebook: Timpucan - ICTHS Kami ay nasasabik sa iyong partisipasyon!
29/10/2021
Kauna-unahang Virtual Club Fair ng ICTHS, sinimulan na! ni Alyssa A. Alonzo
Opisyal nang inilunsad ang kauna-unahang virtual club fair ng Information and Communication Technology High School (ICTHS) ngayong alas-dos y medya ng hapon, ika-29 ng Oktubre.
Ito ay pinangunahan ni Bb. Claire R. Yumul, punong-g**o ng paaralan, at ng komite ng Supreme Student Government (SSG) katuwang ang mga opisyal ng bawat club. Kabilang sa pitong club na magpapasiklab at magpapamalas ng kani-kanilang angking talento at kahusayan ay ang mga sumusunod: Timpucan, Convergence, Math Club, YES-O, E-Learners, Values Club, at pati na rin ang MAPEH Club.
Ngayon ay kasalukuyan nang idinaraos ang naturang okasyon sa Zoom application na dinaluhan ng mga g**o, at ng mga mag-aaral ng ICTHS.
Edit ni Shaun James Sagmit
27/10/2021
Oras na para buksan ang pinto ng ginintuang pagkakataon upang mapabilang sa samahan ng Timpucan!
Pumunta lamang sa link na ito: https://forms.gle/pJwZht8acwunJoUVA at punan ng mga hinihinging impormasyon ang bawat patlang na nakalaan sa nasabing form. Pagkatapos sagutan, hintayin lamang ang confirmation message pati na ang iba pang mga detalye na ipadadala sa iyong email address.
Alalahanin na ito ay magsisilbing preregistration para sa gaganaping School Press Conference (SPC) sa susunod na buwan.
Edit ni Aerish Simbulan
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Culinary Team
Attire
Contact the school
Website
Address
San Fernando
2000