29/08/2026
๐๐๐ฆ๐-๐๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ง๐ญ๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐๐ง: ๐๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐๐๐๐
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng pagkakaisa sa rehiyon, pagkakaiba-iba ng kultura, at sama-samang pag-unlad, nagtipon ang komunidad ng Pangasinan State University (PSU) para sa ๐๐ง๐ข๐ฏ๐๐ซ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฒ-๐๐ข๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐๐ na may temang โNavigating Our Future, Together.โ
Idinaos ang pagdiriwang noong ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐ sa Audio-Visual Room (AVR), na dinaluhan ng mga opisyal ng unibersidad, mga g**o at kawani, at mga lider-estudyante mula sa mga kinikilalang organisasyong pangmag-aaral sa kampus.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng Opening Message ni ๐๐ซ. ๐๐๐ซ๐ฆ๐ข๐ ๐๐จ๐ช๐ฎ๐ข๐ณ, Tagapag-Ugnay ng Ugnayang Pandaigdig, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa at pagkakaroon ng iisang adhikain tungo sa mas matatag na kinabukasan.
Sinundan ito ng mga mensaheng nagbibigay-inspirasyon mula kina ๐๐ซ. ๐๐ก๐ข๐ซ๐ฅ๐๐ฒ ๐. ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐๐ฌ, Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangg**o; ๐๐ซ. ๐๐จ๐ฌ๐๐ฉ๐ก๐ข๐ง๐ ๐. ๐๐๐ฒ๐๐ฌ, Dekana ng Kolehiyo ng Hospitality Management, Business Administration at Computing; ๐๐โ๐๐ฆ ๐๐๐ง๐ง๐ข๐๐๐ซ ๐. ๐๐๐ง๐ ๐๐ง, Dekana, Kolehiyo ng Agribusiness Management, na ang mensahe ay inihatid ni ๐๐ซ. ๐๐ซ๐ข๐ ๐ก๐๐ซ ๐๐ข๐ฆ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ง, Continuing Professional Development Director, at ni ๐. ๐๐ฅ๐๐ข๐ง ๐๐จ๐ฅ๐๐ง๐ญ๐ข๐ง๐จ Administrative Officer V.
Nagbigay rin ng mensahe si ๐๐ซ. ๐๐ฎ๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐. ๐๐๐ฆ๐ฌ๐จ๐ง, Ehekutibong Direktor ng Kampus, na binigyang-diin ang pagkakatulad, pagkakaugnay, at pagkakaisa ng mga bansang kasapi ng ASEAN sa kabila ng kanilang pagkakaiba-iba sa kultura.
Matapos nito, ipinakilala ni ๐๐ซ. ๐๐๐ฒ๐ฃ๐จ๐ก๐ง ๐
๐ซ๐ข๐๐ฌ, Tagapangulo ng Departamento ng Information Technology, ang panauhing tagapagsalita na si ๐๐ซ. ๐๐จ๐๐๐ฒ ๐๐๐ฅ๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ณ, bagong talagang Dekano ng Tanggapan ng Student Services and Alumni Affairs. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa, aktibong pakikilahok, at sama-samang pananagutan sa paghubog ng mas matatag at magkakaugnay na komunidad ng ASEAN.
Tampok din sa pagdiriwang ang pagkilala sa mga nagpakitang-gilas sa Best ASEAN Attire Competition, na nagbigay-diin sa pagkamalikhain at pagpapahalaga sa mayamang kultura ng Timog-Silangang Asya. Kabilang sa mga nagwagi sina Maโam Queenie para sa Non-Teaching Personnel, Maโam Mhyles para sa Teaching Personnel, at Raizen ng PFC para sa Student Category.
Sa pagtatapos ng programa, nagbigay-diin sa mensahe ng pagkakaisa, pagpapahalaga sa kultura, at sama-samang pananagutan si
๐๐ซ. ๐๐๐ ๐๐ข๐๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ง, Tagapangulo ng Departamento ng General Education.
Naging higit na makabuluhan ang pagtatapos ng programa nang sama-samang awitin ng buong komunidad ng PSU ang ASEAN Hymn. Ang nagkakaisang tinig ng mga PSUnian ay nagsilbing makapangyarihang simbolo ng pagkakaisa at pagmamalakiโisang paalala na sa kabila ng ating magkakaibang kultura at pinagmulan, nananatili tayong magkakaugnay sa iisang mithiin para sa kooperasyon, pagkakaibigan, at mas maliwanag na kinabukasan.
Sa pakikiisa ng PSU sa buong komunidad ng ASEAN, nawaโy patuloy na maging inspirasyon ang pagdiriwang na ito sa bawat PSUnian upang yakapin ang pagkakaiba-iba ng kultura, palakasin ang pamumuno, at bumuo ng makabuluhang ugnayan sa kabila ng mga hangganan.
Sama-sama nating tunton ang ating kinabukasanโnagkakaisa, matatag, at handang umunlad bilang isang komunidad ng ASEAN. ๐โจ