23/08/2026
PAGPAPATULOY NG FACE-TO-FACE CLASSES
AGOSTO 24, 2026
Ipinababatid na ang face-to-face classes ay magpapatuloy na sa ating paaralan.
Gayunpaman, ang mga mag-aaral na naninirahan sa mga lugar kung saan ang mga kalsada o daanan ay baha pa, hindi ligtas, o hindi pa madaanan ay HINDI INAATASANG PUMASOK SA PAARALAN hanggang sa maging ligtas at maayos ang kanilang daanan.
Huwag ipagsapalaran ang inyong kaligtasan sa paglalakbay sa baha o mapanganib na mga daanan para lamang makapasok sa klase.
Ang mga mag-aaral na maaapektuhan ay bibigyan ng angkop na learning materials at alternatibong learning activities upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral habang hinihintay na maging ligtas at madaanan ang kanilang mga ruta.
Hinihikayat ang mga magulang at mag-aaral na makipag-ugnayan sa kanilang mga class adviser at ipabatid ang kanilang kasalukuyang sitwasyon.
Kaligtasan muna.
Patuloy ang pagkatuto.
13/08/2026
Let’s keep our school clean and dengue-free!
A little time spent cleaning and checking possible mosquito breeding areas can go a long way in keeping everyone safe and healthy.
Let’s all do our part!
06/08/2026
ANNOUNCEMENT | TOTAL CLASS SUSPENSION (HINTO PROTOCOL)
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 122 mula sa Malacañang dahilan sa patuloy na pag-ulan ng Tropical Storm "Maymay" at Southwest Monsoon (Habagat), opisyal na ipinapatupad ang HINTO PROTOCOL sa Bolingit National High School ngayong araw, Huwebes, Agosto 6, 2026.
⛔ SUSPENDIDO ANG LAHAT NG KLASE
(Face-to-Face at Online / Alternative Delivery Mode)
📌 MAHALAGANG PAALALA:
Walang Online Activities: Walang aasahang synchronous classes, modules, o online submissions ngayong araw upang bigyang-daan ang kaligtasan ng lahat at maiwasan ang abala sa kawalan ng kuryente o signal.
Manatili sa Ligtas na Lugar: Mag-ingat sa baha, ihanda ang mga emergency kits, at manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso ng local DRRMO at inyong Barangay.
Unahin natin ang kaligtasan ng bawat isa. Manatiling ligtas at alerto.
27/07/2026
HAZARDS, MAPPED, SAFETY SECURED.
The School Watching Team (SWT) of Bolingit National High School conducted a hazard mapping activity to identify unsafe areas in the school. They carefully checked different locations and noted possible risks that could harm learners and teachers. With the help of Mr. Arvin King Agbuya, SDRRM focal person, learners and staff, the team raised awareness about safety and prepared plans to prevent accidents.
This activity helped make the school a safer and more prepared place for everyone.