01/10/2022
The Kennedy-Lugar Youth Exchange and Study (YES) Program in the Philippines is now accepting applications for program cycle 2023-2024!
The YES program is a cultural exchange program funded by the US Department of State through the Bureau of Educational and Cultural Affairs. This provides scholarships for high school students to spend up to one academic year in the United States!
To know more about the eligibility and other requirements, and how you can apply, scan the QR code below or visit www.afs.ph/yes-program
YES alumni all over the Philippines will also conduct live information sessions about the program. Announcements regarding the schedule will be posted in the YES Alumni Philippines page soon!
07/09/2022
Happy National Teachers’ Month!
Ipadama ang pasasalamat, ipakita ang pagpupugay kina Ma’am at Sir ngayong buwan na inilaan para sa kanila.
Samahan ang Kagawaran ng Edukasyon mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month. Sa temang “Gurong Pilipino, Dangal ng Sambayanang Pilipino,” ating bigyang-pugay ang husay at kadakilaan ng mga Pilipinong g**o na patuloy na nagbibigay ng hindi matatawarang dedikasyon para sa pag-abot ng pangarap ng bawat batang Pilipino.
Tunghayan ngayong Martes, Setyembre 6, ang National Teachers’ Month Kick-off Celebration sa pangunguna ng Schools Division ng Davao Del Norte, na mapapanood via livestream sa DepEd Philippines official website, page, at YouTube Channel.
Kitakits!
09/08/2022
Kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng buong bansa sa pagdiriwang ngayong araw, Agosto 9, ng Pambansang Araw ng mga Katutubo (National Indigenous Peoples Day).
Sa ilalim ng temang "Kasaysayan, Karunungan, at Wika ng mga Katutubong Pamayanan: Mga Saligan ng Katutubong Pagkakakilanlan at Tulay Tungo sa Inklusibong Kaunlaran," ating patuloy na itaguyod ang karapatang pantao, kilalanin ang identidad, at paunlarin ang kultura ng bawat katutubong Pilipino bilang daan sa pagsulong ng bansa.
23/07/2022
Sama-sama tayong muli sa bayanihan para sa ligtas na balik-aral!
Lahat ay inaanyayahan ng Kagawaran ng Edukasyon na makiisa ngayong darating na Agosto 1-26, 2022 para sa Brigada Eskwela 2022 na may temang, "Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral."
Ang taunang pagsasagawa ng Brigada Eskwela ay bilang preparasyon sa pagbubukas ng klase na tumutuon sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon at pagpapatibay ng samahan sa pagitan ng mga DepEd stakeholders para sa mabisang paghahatid ng dekalidad na edukasyon.
Para sa iba pang detalye kaugnay ang school calendar ngayong SY 2022-2023, basahin ang DepEd Memorandum No. 34, s. 2022: https://bit.ly/DO34S2022
23/07/2022
MARK YOUR CALENDARS!
Narito na ang mga mahahalagang petsa na dapat tandaan para sa SY 2022-2023 na magsisimula ngayong Agosto 22, 2022 at magtatapos sa Hulyo 7, 2023.
Ang nasabing SY ay binubuo ng 203 school days.
Para sa iba pang detalye kaugnay ang opisyal na school calendar ngayong SY 2022-2023, basahin ang DepEd Order No. 34, s. 2022: https://bit.ly/DO34S2022
15/05/2022
Climate change is a major concern. If you're worried about it, you're not alone. But we can all do something to help reverse the effects of global warming.
Let us show the world what climate action looks like and join by UN Campaign.
14/05/2022
Regular classes will resume on May 16, 2022 (Monday)
18/04/2022
𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 | Walang pasok ang mga mag-aaral sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan mula May 2-13, 2022.
Ayon ito sa DepEd Order No. 29, s. 2021, na naglalaan sa mga nasabing araw para sa National Election-related Activities ng mga g**o at kawani ng DepEd.
Ang mga g**o ay inaasahan pa ring mag-report sa kanilang paaralan sa mga araw na walang election-related duties o activities.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang DO 29, s. 2021: bit.ly/DO29S2021
Kung may katanungan o paglilinaw, maaari ring makipag-ugnayan sa DepEd Public Assistance and Action Center (PAAC) sa (02) 8636-1663 at 8633-1942.