05/09/2026
๐ท๐ฉโ๐ซ TEACHER, IKAW NAMAN ๐จโ๐ซ๐ท
Mula September 5 hanggang October 5, 2026, ating ipinagdiriwang ang National Teachersโ Dayโisang panahon upang kilalanin at pasalamatan ang mga g**ong walang sawang nagbibigay ng oras, kaalaman, pag-unawa, at pagmamahal sa kanilang mga mag-aaral. โค๏ธ
Bilang Barkada Kontra Droga (BKD), kinikilala namin ang napakahalagang papel ng mga g**o sa paghubog hindi lamang ng kaalaman, kundi maging ng pagkatao, pagpapahalaga, disiplina, at tamang pagpapasya ng bawat kabataan.
Sa likod ng bawat paalala, may g**ong nagmamalasakit.
Sa likod ng bawat mahigpit na salita, may g**ong nais kayong mapabuti.
Sa likod ng bawat pagtuturo, may g**ong patuloy na naniniwala sa inyong kakayahan.
At sa likod ng bawat tagumpay ng isang mag-aaral, naroon ang isang g**ong minsang nagsabing, โKaya mo โyan.โ ๐ฅนโค๏ธ
Kaya ngayong National Teachersโ Day, ang BKD ay buong pagmamalaking nagbibigay-pugay sa ating mga g**o.
Maraming salamat sa pagiging ilaw, gabay, inspirasyon, at pangalawang tahanan ng aming mga kabataan. ๐
Hindi man laging nasasabi, mahalaga kayo. Kailangan kayo. At pinahahalagahan namin kayo.
๐ฉโ๐ซ๐ Happy National Teachersโ Day, dear teachers!
Saludo ang BKD sa inyong walang sawang paglilingkod! โค๏ธ
โAng mabuting g**o ay hindi lamang nagtuturo ng aralinโhumuhubog siya ng buhay.โ
โ Barkada Kontra Droga (BKD)
Doyong National High School
**o