DepEd T.R.Yangco Memorial Elementary School

DepEd T.R.Yangco Memorial Elementary School Events, Activities, Photos taken and held @ T.R. Yangco Memorial Elementary School (yangco daya)

13/08/2026

Ako'y mabuti challenge

13/08/2026
Sa bawat ensayo, pawis, at sakripisyo, sulit ang lahat nang makita ang ating mga batang atleta na lumaban nang buong pus...
23/07/2026

Sa bawat ensayo, pawis, at sakripisyo, sulit ang lahat nang makita ang ating mga batang atleta na lumaban nang buong puso sa 2026 10U PONY All Japan Championship.
Welcome back to TRYMES our Dear Athletes

PILIPINAS – ZAMBALES DIAMOND DREAMERS - The Bronze Medalists!!!

Hindi man ito ang rurok ng podium, napakalaking tagumpay ang naipakitang husay, disiplina, at puso ng atletang Pilipino sa international stage.

Higit naming ipinagmamalaki ang tatlong 10U Athletes ng T. R. Yangco Memorial Elementary School (TRYMES) Kim JC D. Bueno- Grade 5, Anton Jacob N. Concepcion- Grade 4 at James Brayan A. Rustrata- Grade 5 na naging bahagi ng makasaysayang laban. Kayo ay inspirasyon hindi lamang sa inyong mga kamag-aral kundi sa buong komunidad.

Maraming salamat sa mga magulang, coaches, trainers, at lahat ng sumuporta sa kanilang pangarap. Patuloy nating suportahan at tangkilikin ang ating mga batang atleta—mas marami pang tagumpay ang naghihintay!

So proud of you...

Congratulations Bronze Medalists!!!

From Your TRYMES Family


Sa tunay na kapatiran, ang serbisyo ang pinakamahalagang pamana.Taos-pusong pasasalamat sa Teodoro R. Yangco Masonic Lod...
17/07/2026

Sa tunay na kapatiran, ang serbisyo ang pinakamahalagang pamana.

Taos-pusong pasasalamat sa Teodoro R. Yangco Masonic Lodge No. 351 sa kanilang handog na mga trash bin para sa aming paaralan. Ang simpleng biyayang ito ay malaking hakbang sa pagpapanatili ng kalinisan at paghubog ng responsableng mga mag-aaral.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsasabuhay ng pagkakawanggawa, pagkakaisa, at paglilingkod sa komunidad.

TRYMES BALIK ESKWELA 2026
08/06/2026

TRYMES BALIK ESKWELA 2026

PILAK na may PUSOBuong pagmamalaking binabati natin ang CLRAA – Zambales Elementary Baseball Team sa kanilang kahanga-ha...
30/05/2026

PILAK na may PUSO

Buong pagmamalaking binabati natin ang CLRAA – Zambales Elementary Baseball Team sa kanilang kahanga-hangang pagwawagi ng Silver Medal sa Palarong Pambansa 2026!

Sa bawat ensayo, pawis, sakripisyo, at laban na inyong hinarap, ipinakita ninyo ang tunay na diwa ng pagiging atleta—matatag, disiplinado, at may pusong palaban. Ang inyong tagumpay ay hindi lamang medalya kundi isang inspirasyon sa buong Zambales at sa bawat kabataang nangangarap.

Maraming salamat sa mga magulang, coaches, trainers, school heads, g**o, sponsors, at sa lahat ng sumuporta sa ating mga manlalaro. Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagtutulungan at paniniwala.

🎉 Mabuhay ang Team Zambales!
🎉 Mabuhay ang Region III!
🎉 Mabuhay ang ating mga Batang Kampeon!

⚾🥈🏆❤️💛

👑 “Dati’y nangangarap lamang sa loob ng silid-aralan… ngayon, siya na ang namumuno rito.” ✨ANG PAGBABALIK NG REYNA SA KA...
29/05/2026

👑 “Dati’y nangangarap lamang sa loob ng silid-aralan… ngayon, siya na ang namumuno rito.” ✨

ANG PAGBABALIK NG REYNA SA KANYANG TAHANAN 💙📚

Mula sa pagiging isang proud alumna, Alumni Queen ngayon ay ganap nang nagbabalik bilang isang mahusay at inspiradong Punong - G**o.

Isang patunay na ang mga pangarap na minsang sinimulan sa loob ng paaralang ito ay maaaring maging realidad sa tamang sipag, dedikasyon, at pagmamahal sa edukasyon. Tunay ngang nakakabilib at nakaka-proud ang iyong pagbabalik — hindi lamang bilang dating mag-aaral, kundi bilang lider na handang magbigay inspirasyon sa susunod na henerasyon. 🌟

Maligayang pagbabalik sa iyong tahanan, Madam Janet! ❤️🏫

OPLAN BALIK ESKWELA 2026 Mga magulang at mag-aaral, panahon na muli ng pagpapalista para sa darating na pasukan! 🏫✨Inaan...
26/05/2026

OPLAN BALIK ESKWELA 2026

Mga magulang at mag-aaral, panahon na muli ng pagpapalista para sa darating na pasukan! 🏫✨
Inaanyayahan po ang lahat ng mga batang nais mag-enroll na makiisa sa ating Oplan Balik Eskwela.

Mahalagang Paalala:
✔️ Isama po ang bata sa oras ng pagpapalista upang mas mapadali ang proseso at maitala nang maayos ang impormasyon ng mag-aaral.

📅 Tara na at magpalista na!
Sama-sama nating ihanda ang bawat bata para sa isang ligtas, masaya, at makabuluhang pagbabalik-eskwela. 💙📚

Mark your calendar!🎒  BRIGADA ESKWELA 2026🗓️ June 1–5, 2026Halina at makiisa sa Brigada Eskwela at magpatala  na rin par...
26/05/2026

Mark your calendar!
🎒 BRIGADA ESKWELA 2026
🗓️ June 1–5, 2026
Halina at makiisa sa Brigada Eskwela at magpatala na rin para sa Panuruang Taon 2026–2027!
Halina na at sama-samang nating ihanda ang ating paaralan para sa ligtas at masayang pagbabalik-eskwela.
T. R. YANGCO MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
“Bayanihan para sa Matatag na Paaralan!

📣 WE’RE HIRING! 📣 A T T E N T I O N !Join our team! Be an ARAL Tutor and make a difference in learners’ lives! Take this...
03/05/2026

📣 WE’RE HIRING! 📣
A T T E N T I O N !
Join our team! Be an ARAL Tutor and make a difference in learners’ lives!
Take this opportunity to inspire, teach, and empower learners. Apply now!


https://tinyurl.com/ARAL-IntentTemplates

Address

Burgos
San Antonio
2206

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd T.R.Yangco Memorial Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category