27/07/2026
SALIKHA: A Mini Research and Innovation Congress, Matagumpay na Isinagawa sa East Dirita Integrated School
Bilang pagtugon sa SDM No. 229, s. 2026 na may pamagat na Schools Division Research Agenda for the School Year 2026–2027 at SDM No. 262, s. 2026 na may pamagat na Call for FY 2026 Special Education Fund (SEF) and FY 2027 Basic Education Research Fund (BERF) Research and Innovation Proposals, matagumpay na isinagawa ng East Dirita Integrated School ang SALIKHA: A Mini Research and Innovation Congress.
Dinaluhan ito ng mga g**ong nagpahayag ng kanilang hangarin na makabuo at makapagsumite ng mga de-kalidad na research at innovation proposals na tumutugon sa mga pangangailangan ng paaralan at ng sektor ng edukasyon.
Pinangunahan ang programa ni Ma'am Emma A. Guico, Principal II, sa pakikipagtulungan ng panel of experts na sina Dr. John Paul C. Paje, Principal II ng West Dirita Elementary School at District Research and Innovation Coordinator (Elementary), Adora T. Ferrer, School Research and Innovation Coordinator, at Carlina M. Ancho, SRIC Member. Sa pamamagitan ng masusing presentasyon at konsultasyon, nabigyan ang mga panukalang pag-aaral at inobasyon ng mga kalahok ng komprehensibong technical assistance, mahahalagang rekomendasyon, at makabuluhang puna upang higit pang mapahusay ang nilalaman, metodolohiya, at kabuuang kalidad ng kanilang mga proposal.
Naging matagumpay ang nasabing gawain dahil sa aktibong partisipasyon ng mga g**o at sa patnubay ng mga panelists na nagsilbing katuwang sa paghubog ng mga pananaliksik at inobasyong inaasahang makapag-aambag sa patuloy na pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon at pagpapaunlad ng kultura ng pananaliksik sa paaralan.
Sa pamamagitan ng SALIKHA, muling pinagtibay ng East Dirita Integrated School ang kanyang adhikain na paigtingin ang pananaliksik at inobasyon bilang mahalagang kasangkapan sa paglikha ng mga makabuluhan, makabago, at batay sa ebidensiyang solusyon para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral at ng buong komunidad ng paaralan.