DepEd Zacarias C. Aquilizan High School

DepEd Zacarias C. Aquilizan High School Homepage of Zacarias C. Aquilizan High School
Panabingan, San Antonnio, Nueva Ecija

πŸ“’ SCHOOL SAFETY DRILL 2026 🚨ZACARIAS C. AQUILIZAN HIGH SCHOOLπŸ“ Panabingan, San Antonio, Nueva EcijaBilang bahagi ng atin...
21/08/2026

πŸ“’ SCHOOL SAFETY DRILL 2026 🚨

ZACARIAS C. AQUILIZAN HIGH SCHOOL
πŸ“ Panabingan, San Antonio, Nueva Ecija

Bilang bahagi ng ating paghahanda para sa kaligtasan ng buong school community, isasagawa ang Conduct of the Nationwide Simultaneous School Safety Drill ngayong August 25, 2026 (Tuesday), 9:00 AM.

Layunin ng gawaing ito na mapalakas ang kahandaan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani sa oras ng active attack incidents at iba pang emergency situations.

🟒 RUN – Kung may ligtas na daanan, agad na lumikas palayo sa panganib.
🟒 HIDE – Kung hindi makatakbo, humanap ng ligtas na lugar at manatiling tahimik.
πŸ”΄ FIGHT – Bilang huling paraan, ipagtanggol ang sarili at tumulong na maprotektahan ang iba.

πŸ›‘οΈ BE ALERT. BE PREPARED. STAY SAFE!

Ang kaligtasan ay responsibilidad nating lahat. Sa pamamagitan ng tamang kaalaman, paghahanda, at pagtutulungan, mas magiging handa tayo sa anumang hamon.

β€œSafety is everyone’s responsibility!” πŸ’šπŸ’›





Happy Birthday, Ma'am Gina M. Sarsagat, JHS Teacher! πŸŽ‚βœ¨Wishing you good health and happiness always. May your day be fil...
21/08/2026

Happy Birthday, Ma'am Gina M. Sarsagat, JHS Teacher! πŸŽ‚βœ¨
Wishing you good health and happiness always. May your day be filled with smiles and wonderful moments. Enjoy your special day! Thank you for your dedicated service to the school.

21/08/2026

πŸ“… SAVE THE DATE: AUGUST 25

Magkakaroon tayo ng Nationwide School Safety Drill sa Agosto 25 bilang bahagi ng patuloy nating pagpapalakas ng kaligtasan at kahandaan sa ating mga paaralan, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos para sa mas ligtas na mga learning environment.

πŸ“’ HOLIDAY ADVISORY | NINOY AQUINO DAYBukas, Agosto 21, 2026 (Biyernes), ay idaraos ang Ninoy Aquino Day, isang Special N...
20/08/2026

πŸ“’ HOLIDAY ADVISORY | NINOY AQUINO DAY

Bukas, Agosto 21, 2026 (Biyernes), ay idaraos ang Ninoy Aquino Day, isang Special Non-Working Holiday bilang paggunita at pagbibigay-pugay kay Benigno β€œNinoy” S. Aquino Jr.

Kaugnay nito, walang pasok sa ating paaralan.

πŸ‡΅πŸ‡­ Sama-sama nating alalahanin ang kanyang naging ambag sa kasaysayan ng ating bansa at ipagpatuloy ang pagpapahalaga sa kalayaan, demokrasya, at pagmamahal sa bayan.

Maligayang Ninoy Aquino Day! πŸ‡΅πŸ‡­



πŸ“’ ADVISORY | WALANG FACE-TO-FACE CLASSESπŸ“… Agosto 20, 2026Alinsunod sa Memorandum Circular No. 131, walang face-to-face c...
19/08/2026

πŸ“’ ADVISORY | WALANG FACE-TO-FACE CLASSES
πŸ“… Agosto 20, 2026

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 131, walang face-to-face classes bukas, Agosto 20, 2026, sa mga lugar na sakop ng abiso, kabilang ang Nueva Ecija, dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.

Sa halip, gagamitin ang Alternative Learning Modality (ALM) upang maipagpatuloy ang pagkatuto.

πŸ“Œ Para sa mga gawain at learning materials, makipag-ugnayan sa inyong mga subject teacher.

πŸ™ Hinihikayat ang lahat na manatiling ligtas at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng paaralan.
Kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad. πŸ’™πŸŒ§οΈ
Source: Memorandum Circular No. 131

πŸ“šπŸŒ§οΈ WALANG FACE-TO-FACE, PERO TULOY ANG PAGKATUTO! πŸ’™πŸ’›Kahit walang face-to-face classes, hindi naging hadlang ang walang ...
19/08/2026

πŸ“šπŸŒ§οΈ WALANG FACE-TO-FACE, PERO TULOY ANG PAGKATUTO! πŸ’™πŸ’›

Kahit walang face-to-face classes, hindi naging hadlang ang walang tigil na pag-ulan sa mga ZCAHSians upang patuloy na matuto. Sa pangunguna ng ating masisipag na g**o, ginamit ang iba’t ibang online platforms at learning modalities upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga mag-aaral kahit nasa kani-kanilang tahanan.

Ang sitwasyong ito ay patunay na walang kalamidad na makapipigil sa kagustuhang matuto. Sa sama-samang pagsisikap ng mga g**o, mag-aaral, at magulang, patuloy nating pinangangalagaan ang edukasyon. πŸ’ͺπŸ“–

Kahit saan, kahit kailanβ€”ang pagkatuto ay patuloy!
πŸŒ§οΈβž‘οΈπŸ“š ZCAHSians, tuloy ang laban para sa edukasyon!






19/08/2026
πŸ“’ ADVISORY | WALANG FACE-TO-FACE CLASSESπŸ“… Agosto 19, 2026Alinsunod sa Memorandum Circular No. 129, walang face-to-face c...
18/08/2026

πŸ“’ ADVISORY | WALANG FACE-TO-FACE CLASSES
πŸ“… Agosto 19, 2026

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 129, walang face-to-face classes bukas, Agosto 19, 2026, sa mga lugar na sakop ng abiso, kabilang ang Nueva Ecija, dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.

Sa halip, gagamitin ang Alternative Learning Modality (ALM) upang maipagpatuloy ang pagkatuto.

πŸ“Œ Para sa mga gawain at learning materials, makipag-ugnayan sa inyong mga subject teacher.

πŸ™ Hinihikayat ang lahat na manatiling ligtas at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng paaralan.

Kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad. πŸ’™πŸŒ§οΈ

Source: Memorandum Circular No. 129

πŸ“’ PAUNAWA | DWNE NG ZCAHSiansIpinababatid po sa lahat ng mga magulang, mag-aaral, at stakeholders na hindi muna matutulo...
17/08/2026

πŸ“’ PAUNAWA | DWNE NG ZCAHSians

Ipinababatid po sa lahat ng mga magulang, mag-aaral, at stakeholders na hindi muna matutuloy bukas, ika-18 ng Agosto 2026, ang DepEd Hour ng DWNE TeleRadyo.

Abangan na lamang po ang bagong iskedyul kung kailan ito matutuloy. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, suporta, at patuloy na pagtangkilik sa mga programa ng ZCAHS. πŸ’šπŸ’›

πŸ“» Stay tuned, ZCAHSians!
Abangan ang bagong schedule ng ating DWNE TeleRadyo!

πŸ“’ SCHOOL ADVISORY | WALANG FACE-TO-FACE CLASSESIpinababatid sa lahat ng ZCAHSians na WALANG FACE-TO-FACE CLASSES bukas, ...
17/08/2026

πŸ“’ SCHOOL ADVISORY | WALANG FACE-TO-FACE CLASSES

Ipinababatid sa lahat ng ZCAHSians na WALANG FACE-TO-FACE CLASSES bukas, Agosto 18, 2026 (Martes) sa Zacarias C. Aquilizan High School.

Sa halip, ang ating mga klase ay lilipat sa Alternative Learning Modality (ALM) upang magpatuloy ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral habang isinasaalang-alang ang kanilang kaligtasan at kapakanan.

Pinapayuhan ang lahat ng learners na makipag-ugnayan sa kanilang mga g**o para sa mga learning activities, instructions, at iba pang gawain na dapat isagawa.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Manatiling ligtas, ZCAHSians! πŸ’šπŸ’›

Address

Panabingan
San Antonio
3108

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639312087020

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Zacarias C. Aquilizan High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Zacarias C. Aquilizan High School:

Shortcuts

Share

Category