02/04/2020
Kaibigan. Sa pagiging magkaibigan nagsimula ang ating storya.
Unang beses pa lang tayong nagkausap ramdam ko na
Naramdaman ko nang hindi lang tayo magiging magkaibigan.
Unang beses pa lang tayong nagkatabi ramdam ko na
Naramdaman ko nang pag kasama kita ligtas ako sa kapahamakan.
Ngunit isang araw, lahat ay nagbago.
Hindi mo na ako kinikibo;
Hindi ka na rin nanggugulo.
'yun pala sinagot ka na niya.
Sabi ko sa sarili ko, "okay lang. Una pa lang naman alam ko nang gusto mo siya."
Sinabi ko rin na, "mas mabuti nang maging magkaibigan nalang kaysa masira."
Hindi ko nga alam kung bakit kahit hindi pa naman tayo matagal na magkaibigan
Pero ang turingan ay tila baga parang tayo'y tunay na magkasintahan --
Masyado nating dinaramdam maski maliit na dahilan ng ating hindi pagkakaintindihan;
Grabe mo ako alagaan kahit hindi mo naman dapat ginagawa;
Higit sa lahat lagi kang nasa tabi ko umiyak man ako o tumawa.
At heto, dumating na ang araw na hindi ko inaasahan,
"Sa tingin ko mahal niyo na ang isa't isa", sabi ng isang tapat na kaibigan.
Marahil ay hindi ko inasahan iyon ngunit ako ay napaisip,
Oo nga. Hindi lang namin siguro napapansin
ngunit pansin na pansin na ng mga nasa paligid namin.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin o maramdaman;
Gulong gulo man ako pero hindi ko hinayaang magulo ang ano mang meron tayo.
Oo, ipinagpatuloy natin. Isipin man ng lahat na nilandi kita o inagaw kita sa nobya mo
Pero hindi at mananatiling hindi ang sagot ko
dahil alam ko kung ano ang totoo
At hindi ko kailangang ipaliwanag ang sarili ko para lang maintindihan ako ng ibang tao.
Lumipas ang mga araw nanatili tayong magkaibigan.
Sa kabila ng hindi mabilang na bangayan at tawanan na ating pinagsaluhan
Nanatili tayong matatag; nanatili tayong magkaibigan.
Hanggang sa dumating yung araw na nalaman kong hiwalay na kayo ng nobya mo.
Hindi kita iniwan bagkus nanatili ako sa tabi mo dahil alam kong kailangan mo.
Pagkalipas ng halos isang taon nagbago bigla ang takbo ng ating kwento.
Nagtapat ka na may nararamdaman ka para sa akin na higit pa sa pagkakaibigan.
Hindi ko alam ang aking sasabihin,
Ang daming tanong sa aking isip na alam kong ikaw lang ang may kayang sagutin.
"Ikaw mahal ako?"
"Kailan?"
"Bakit?"
"Paano?"
Marami man akong tanong ngunit pakiramdam ko nasagot lahat iyon nang inamin ko sa sarili ko na noon pa lang ikaw na ang mahal ko , mahal ko nang higit pa sa pagkakaibigan.
At doon na nagsimula ang panibagong kabanata ng ating storya.
-🍉
Anonymous
Admin Rem