18/08/2026
| August 19, 2026 (Wednesday)
Ayon sa Memorandum Circular No. 129 na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo (Office of the President), kabilang ang lalawigan ng Nueva Ecija sa mga lugar na sakop ng pagpapatupad ng alternative learning modes sa mga paaralan at alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan ngayong Miyerkules, Agosto 19, 2026.
Ang pampublikong pag-iingat na ito ay bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan na dulot ng pinalakas na Habagat (Southwest Monsoon), na maaaring magdulot ng pagbaha at iba pang panganib. Inaasahan ang mga pampubliko at pribadong paaralan na magpatupad ng angkop na learning continuity measures alinsunod sa mga direktiba ng kani-kanilang Local Chief Executives, habang magpapatuloy naman sa operasyon ang mga ahensyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo, kalusugan, at disaster response.
Keep safe and dry, Technians!