20/10/2023
20 October 2023 | Nagsadya ngayong araw ang mga kawani ng School Health and Nutrition Section ng Schools Division Office ng Catanduanes, sa pangunguna ni Dr. Kristine Santelices, upang magsagawa ng Mental Health Advocacy para sa mga mag-aaral ng SAVS.
Ang kalahating araw na programa na may temang "Where na u? Here na me.. Tara, usap tayo!" ay naglalayong maiangat ang kamalayan ng mga mag-aaral sa mga bagay na bumabagabag sa mga isipan ng mga kabataan ngayon at malaman kung paano ang mga ito matutugunan.
Larawan ni Gng, Magie Rabaca.
(Sadyang tinakpan ang mukha ng mga mag-aaral alinsunod sa mga patakaran sa privacy.)