15/08/2026
"AI Kayang Sumagot ng Mas Mabilis , Ngunit Lider ang Nagbibigay ng Malasakit" โ Mayor Romano
SAN ANDRES, CATANDUANES โ Maaaring mabilis na makapagbigay ng sagot ang artificial intelligence (AI), ngunit hindi nito kayang palitan ang malasakit na dapat taglayin ng isang tunay na lider, ayon kay San Andres Mayor Aly Romano sa mga bagong halal at itinalagang lider ng mga mag-aaral nitong Biyernes, Agosto 14.
Ibinahagi ni Romano ang mensahe sa Induksyon ng mga Mag-aaral 2026 na ginanap sa San Andres Vocational School Multi-Purpose Hall, na may temang โAng Estudyanteng-Lider at ang AI: Mga Makabagong Solusyon para sa mga Makabagong Hamon.โ
Sa pagsisimula ng kaniyang talumpati, nagkuwento si Romano tungkol sa kaniyang kabataan, kabilang ang pagsulat niya noon ng isang โlove letterโ para sa kaniyang dating kasintahan na siya ring kaniyang asawa ngayon.
Inihambing niya ito sa karanasan ng mga kabataan sa kasalukuyan na may access na sa AI upang makatulong sa pagsulat, kabilang ang pagwawasto ng kanilang mga gawa.
Ayon kay Romano, malaking oportunidad para sa mga kabataan ang pagkakaroon ng makabagong teknolohiya.
Gayunman, binigyang-diin niyang may mga bagay na hindi kayang gawin ng AI.
โAng AI ay kayang magbigay ng mabilis na sagot ngunit hindi kayang magbigay ng malasakitโhindi kayang iparamdam ang pagmamahal ng isang tunay na namumuno,โ ani Romano.
Para sa alkalde, higit na nasusubok ang isang lider sa mga sitwasyong hindi kayang lutasin ng teknolohiyaโgaya ng pakikipag-usap sa isang kaklaseng nawawalan na ng pag-asa.
Aniya, ang tunay na hamon ay kung paano lalapitan at kakausapin ang isang taong maaaring sumuko na sa buhay. Sa ganitong sitwasyon, hindi sapat ang mabilis na sagot o impormasyong maaaring ibigay ng isang teknolohiya. Higit na kailangan ang pakikinig, pag-unawa at presensiya ng isang taong tunay na nagmamalasakit.
Kaugnay nito, hinimok ni Romano ang mga estudyanteng lider na tingnan ang pamumuno bilang isang patuloy na proseso ng pagkatuto.
โAng pamumuno ay isang tuloy-tuloy na pagkatuto,โ pahayag niya.
Binigyang-diin din ng kaniyang mensahe na maaaring gamitin ng mga kabataan ang AI bilang kasangkapan sa pagharap sa mga makabagong hamon, ngunit hindi dapat mawala ang pagpapahalaga sa kapwa.
โ๐ผ: Jhesrylle Rose Solmiano
๐ธ: Katherine Osorio