04/08/2026
Yugno Elementary School, Matagumpay na Inilunsad ang Parents Academy
YUGNO ELEMENTARY SCHOOL, SAN ANDRES, QUEZON โ Matagumpay na inilunsad ng Yugno Elementary School ang Parents Academy, isang programang naglalayong palakasin ang pakikipagtulungan ng mga magulang at ng paaralan sa pagsuporta sa pagkatuto at pangkalahatang pag-unlad ng mga mag-aaral. Pinangunahan ang programa ni Sir Ronel D. Oseรฑa, Head Teacher I, kasama ang mga g**o Jms S. Jorda, Jeorilyn Suan Omelgo, RC Camacho , Jeandinneth D Omanito, Kimverly Laurito Son-Esquillo, Crishiene Carabit Hababag at mga magulang ng paaralan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Sir Ronel D. Oseรฑa ang mahalagang papel ng mga magulang bilang unang g**o ng kanilang mga anak. Aniya, ang aktibong pakikilahok ng mga magulang sa edukasyon ay may malaking ambag sa paghubog ng mabuting asal, pagpapahalaga, at mataas na pagganap ng mga mag-aaral sa paaralan.
Sa paglulunsad ng Parents Academy, tinalakay ang iba't ibang paksa tulad ng responsableng pagiging magulang, suporta sa pag-aaral ng mga bata sa tahanan, child protection, wastong disiplina, kalusugan at nutrisyon, at pagpapaunlad ng matibay na ugnayan ng tahanan at paaralan. Nagkaroon din ng pagpaparehistro ng mga magulang at pamamahagi ng mga impormasyon tungkol sa programa.
Ipinahayag ng mga magulang ang kanilang suporta at pasasalamat sa inisyatibong ito dahil nagbibigay ito ng kaalaman at gabay upang mas maging epektibong katuwang sila ng paaralan sa paghubog ng kanilang mga anak.
Sa pamamagitan ng Parents Academy, patuloy na isinusulong ng Yugno Elementary School ang isang matatag na ugnayan sa pagitan ng tahanan at paaralan, bilang pundasyon sa paglinang ng mga mag-aaral na may mabuting asal, responsibilidad, at kahandaan sa pagkatuto. Ang programa ay patunay ng paniniwala ng paaralan na ang matagumpay na edukasyon ay bunga ng sama-samang pagkilos ng paaralan, pamilya, at komunidad.