13/07/2026
ULAT SA PAGPAPATUPAD NG EARTHQUAKE EVACUATION PROTOCOL
Hulyo 13, 2026, bandang 9:00 ng umaga, nakaranas ng pagyanig dulot ng lindol ang karatig lugar ng Inanuran Elementary School. Bilang pagtugon sa sitwasyon, agad na ipinatupad ng paaralan ang Earthquake Evacuation Protocol upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mag-aaral at mga g**o.
Matapos ang pagyanig, maayos at disiplinadong lumikas ang lahat patungo sa itinakdang evacuation area sa pangunguna ng mga g**o at ng School Disaster Risk Reduction and Management (SDRRM) Team. Isinagawa rin ang headcount upang matiyak na ligtas at kumpleto ang lahat ng mag-aaral at kawani.
Agad namang dumating ang San Andres Municipal Engineering Team upang magsagawa ng masusing inspeksyon sa mga gusali ng paaralan. Sinuri ng kanilang pangkat ang kabuuang kalagayan at integridad ng mga gusali upang matiyak kung ligtas pa itong gamitin matapos ang lindol.
Batay sa isinagawang pagsusuri, tiniyak ng Municipal Engineering Team na ligtas gamitin ang mga gusali ng paaralan at wala silang nakitang anumang seryosong pinsala na maaaring magdulot ng panganib sa mga mag-aaral at kawani. Matapos ang kanilang pahintulot at rekomendasyon, maayos na naipagpatuloy ng paaralan ang mga gawain habang patuloy na isinasaisip ang kaligtasan ng lahat.
Ang maagap na pagpapatupad ng evacuation protocol at ang agarang koordinasyon sa mga kinauukulang ahensya ay nagpapatunay sa kahandaan ng Inanuran Elementary School sa pagtugon sa mga sakuna at sa patuloy nitong pagsunod sa mga pamantayan ng kaligtasan sa paaralan.