16/04/2026
ANUNSYO: INTER-AGENCY JOB FAIR 2026
Pinapaalalahanan ang lahat ng mga Senior High School (SHS) Graduates at Alternative Learning System (ALS) Completers sa Surigao del Sur tungkol sa gaganaping Inter-Agency Job Fair.
Layunin ng programang ito, sa pakikipagtulungan ng DepEd at DOLE, na mapadali ang inyong paghahanap ng trabaho at pagkuha ng mga kinakailangang dokumento.
📍 DETALYE NG EVENT
Petsa: Abril 24, 2026
Oras: 1:00 PM – 5:00 PM
Lugar: EDM Convention Center, Tandag City
📄 MGA DOKUMENTONG DAPAT IHANDA
Siguraduhing dala ang mga sumusunod (orihinal at photocopy) upang matiyak ang mabilis na proseso:
A. Magdala ng Photocopy ng:
📌National Certificate (NC), kung mayroon
📌Diploma
📌Report Card o Academic Record
📌Certificate of Good Moral Character
B. Magdala ng Original Copy ng:
📌Police Clearance
📌Barangay Clearance
📌Bio-Data o Résumé
📌Application Letter
💼 MGA SERBISYONG AASAHAN
Magkakaroon ng "One-Stop Shop" kung saan makakausap ang mga kinatawan mula sa iba't ibang ahensya ng gobyerno para sa inyong pre-employment documents (ng libre para sa mga first-time jobseekers sa ilalim ng RA 11261):
PhilHealth, PSA, DOLE, PAG-IBIG, SSS, TESDA, PNP, NBI, at BIR.
Makakaharap din ang iba't ibang mga kumpanya at employer na naghahanap ng mga bagong kawani.
Paalala: Ayusin nang mabuti ang inyong mga dokumento bago pumunta sa event para sa mabilis at maayos na aplikasyon.
Magkita-kita tayo doon at simulan ang inyong career!
06/03/2026