30/05/2026
๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐ ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ด๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐๐ฎ๐ฑ๐ฎ - ๐๐ถ๐๐๐ฟ๐ถ๐ฏ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ต๐ญ
Hindi man namin maipaliwanag kung gaano kami kasaya at ka thankful sa naging resulta ng ating munting proyekto, pero isang bagay ang sigurado, hindi ito magiging posible kung wala ang suporta ng bawat isa sa inyo.
Sa simpleng pagbili ng products, pagbibigay ng oras, effort, at tiwala, marami tayong napasayang buhay ngayong araw. Hindi lamang po jeepney drivers kundi pati tricycle drivers ang ating nabigyan ng grocery packs bilang simpleng paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa kanilang araw araw na sakripisyo para maihatid tayo nang ligtas sa ating mga pupuntahan.
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa suporta at pakikiisa ni Mayor Alex Acuzar, na patuloy na sumusuporta sa mga programang naglalayong makatulong sa ating komunidad at sa ating mga kababayang nangangailangan. Ang inyong suporta ay malaking inspirasyon upang mas marami pa tayong matulungan sa hinaharap.
Alam naman natin na hindi biro ang kinakaharap ng ating mga tsuper ngayon. Mataas ang presyo ng gasolina, mahal ang bilihin, at mas lalong mahirap kumita sa panahon ngayon. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, patuloy pa rin silang bumibiyahe at nagseserbisyo sa atin. Hindi sila basta basta nagtataas ng pamasahe dahil alam nilang may mga pamilya rin tayong binubuhay at may mga estudyante at manggagawang umaasa sa murang biyahe araw araw.
Maaaring para sa iba ay maliit lamang ang ating naibigay, pero sa mga mata ng ating mga tsuper, ramdam naming malaking bagay iyon para sa kanila. Nakakataba ng puso makita ang kanilang mga ngiti, marinig ang kanilang pasasalamat, at mas lalo kaming naantig nang may ilan na nagsabi ng โSwerte ko naman ngayon.โ Sa simpleng katagang iyon, naramdaman naming sulit ang lahat ng pagod, oras, at effort na inilaan para sa proyektong ito.
Isa rin itong paalala na hindi kailangang malaki ang pera para makatulong. Minsan, sapat na ang pagkakaisa, malasakit, at pusong handang umunawa sa pinagdadaanan ng iba. Hindi man tayo pare pareho ng estado sa buhay at alam nating may ilan din sa atin na dumaraan sa sariling pagsubok, pinili pa rin nating tumulong at magbigay sa abot ng ating makakaya. At doon natin napatunayan na kapag sama sama, mas marami tayong kayang maabot at matulungan.
Sa lahat ng bumili ng products, nag support, nag share, nagdasal, at naniwala sa layunin ng ating programa, maraming maraming salamat po. Hindi ninyo hinayaang kakaunti lamang ang ating matulungan. Dahil sa inyo, mas marami tayong napasaya at nabigyan ng kahit kaunting ginhawa sa gitna ng kanilang araw araw na laban.
Patuloy sana nating tandaan na ang kabutihan ay hindi nasusukat sa laki ng naibibigay, kundi sa pusong handang magmalasakit.
Dahil ang laban ng mga tsuper ay laban din nating mga komyuter.
Maraming salamat, INB Samal. Hanggang sa susunod na pagkakataon ng pagtulong at pagbibigay pag asa sa ating kapwa.