03/11/2025
Maligayang kaarawan sa isang natatanging bituin!
Tulad ng isang bituin sa kalawakan, ikaw ay may sariling ningning at liwanag na syang gabay namin sa kadiliman. Sa kabila ng gabi sa buhay, at pagsubok, ikaw ay patuloy na nagliliyab, nagsisilbing pag-asa sa mga nakapaligid.
Mayroon mang mga araw na hindi ka makikita sa kalangitan o mga panahong hindi umaayon saatin, subalit babalik ka naman sa sumusunod—mas nagniningning at kaakit-akit.
Higit sa lahat, ang iyong liwanag ay tulad ng isang walang hanggang bakas na nananatiling buhay at makapangyarihan. Isang bituin na nagtataglay ng dakilang liwanag at nagbibigay ng inspirasyon.