22/07/2026
TINGNAN | Feeding Program at Deworming sa Linosotan Elementary School
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Deworming Month, matagumpay na isinagawa ng Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng City Health Office of IGACOS (CHO) ang School-Wide Deworming Program sa Linosotan Elementary School, sa pakikipagtulungan ng mga Barangay Health Workers ng Barangay Linosotan sa pangunguna ni Barangay Midwife, Ma'am Jovelyn S. Accion.
Bilang bahagi ng programa, nagsagawa si Ma'am Jovelyn ng isang oryentasyon upang ipaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng deworming sa pag-iwas sa mga sakit, pagpapanatili ng mabuting kalusugan, at pagpapabuti ng nutrisyon upang sila ay maging malusog, masigla, at handang matuto.
Kasabay nito, nagsagawa ang City Mayor's Office ng Feeding Program kung saan inihain ang mainit at masustansyang Arroz Caldo sa mga mag-aaral bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagsuporta sa kalusugan at nutrisyon ng bawat batang Linosotan.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng Department of Health (DOH), City Health Office of IGACOS (CHO), City Mayor's Office, Barangay Health Workers, at ng paaralan, matagumpay na naitaguyod ang kalusugan at kapakanan ng bawat mag-aaral ng Linosotan.
Taos-pusong nagpapasalamat ang Linosotan Elementary School sa Department of Health (DOH), City Health Office (CHO), City Mayor's Office, at sa lahat ng Barangay Health Workers sa kanilang patuloy na suporta at dedikasyon sa paglilingkod sa ating mga mag-aaral.
Sama-sama para sa mas malusog, mas ligtas, at mas maliwanag na kinabukasan ng bawat batang mag-aaral ng Linosotan!