07/02/2017
Si Jose Mari Hautea ay tubong Samar. Lumipat siya sa Tacloban City upang makipagsapalaran at magbakasali na matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay. Dito niya napag-alaman ang tungkol sa Alternative Learning System o ALS. Ngayon, si Jose Mari ay isa ng Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA).
Hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Jose Mari. Dumaan ang maraming taon at maraming trabaho, ngunit hindi siya tumigil sa pagnanais niyang bumalik muli sa pag-aaral. Ngunit dahil sa kanyang edad, nahiya na siya bumalik upang mag-aral sa paaralan.
Sa mga panahon iyon, napagalaman ni Jose Mari ang tungkol sa Alternative Learning System (ALS) sa kanilang lugar kung kaya’t nagpatala siya agad. Napagtanto niya na ang ALS ang makakatulong sa kanya upang kanyang matanggap ang inaasam-asam niyang diploma.
Kahit siya ay nagtatrabaho bilang isang trainor ng isang dance group at hindi man siya makapasok sa nakatakdang iskedyul ay pinagsikapan niya na makipagkita sa kanyang g**o para matuto ang pinag-aaralan ng kanilang klase upang maipasa niya ang pasusulit. Kahit gabi na ay pinupuntahan niya ang bahay ng kanyang g**o sa ALS. Laking pasalamat ni Jose Mari na pinagtuunan at binigyan siya ng oras nito.
Noong 2011, laking pasasalamat ni Jose Mari nang maipasa niya ang A&E Test. Dahil dito ay nakapag-aral siya sa kolehiyo sa Asian College at sa TESDA. Nang matapos niya ang kanyang kurso ay pinalad naman siyang makahanap ng trabaho abroad.
Masasabi ni Jose Mari na ang ALS ang naging susi ng pagbago ng kanyang buhay. Sa ngayon naibibigay na niya ang mas magandang buhay ng kanyang pamilya. Natutustusan niya ang pag-aaral ng kanyang asawa’t anak. Kung kaya’t labis ang pasasalamat ni Jose Mari sa tagumpay na kanyang nakamtan sa buhay.
“Dahil sa ALS, ako ay nakapagtrabaho sa ibang bansa. Sa kagaya ko na galing sa isang “broken family” at hindi nakapagtapos ng sekondarya dahil kinailangan kong magtrabaho agad para mabuhay, ang ALS ang naging daan upang matupad ko ang aking mga pangarap,” wika ni Jose Mari.
The Alternative Learning System Accreditation and Equivalency (ALS A&E) Test, formerly known as the Non-formal Education A&E Test, is a paper and pencil test designed to measure the competencies of those who have neither attended nor finished elementary or secondary education in the formal school system.
Passers of the A&E Test are given a certificate/diploma, bearing the Department of Education (DepEd) seal and the signature of the Secretary, certifying their competencies as comparable graduates of the formal school system. Passers are qualified to enroll in secondary and post-secondary schools.
END