06/04/2026
𝐌𝐀𝐑𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓, 𝐌𝐆𝐀 𝐆𝐔𝐑𝐎!
Sa likod ng matagumpay na PAGTATAPOS 2026 ay ang walang sawang dedikasyon ng ating mga g**o—mga g**ong nagpuyat, nagsakripisyo, at naglaan ng oras at puso upang matiyak ang isang makabuluhan at maayos na pagdiriwang.
Taos-puso nating kinikilala ang mahalagang ambag nina Ma’am Jingle (Kinder Adviser), Ma’am Rovi (Grade 6 Adviser), at Ma’am Jean (Grade 10 Adviser) na naging katuwang mula sa paghahanda, pagsasanay ng mga mag-aaral, pag-aayos ng programa, pagpi-print ng mga materyales, hanggang sa paggawa ng mga presentasyon o PPT.
Gayundin, ang ating Big 4 sa pagtulong sa Pagtatapos 2026—Ma’am CJ, Ma’am Juliene, Sir Christian, at Sir Carl, na buong pusong nagpakita ng suporta at pagkakaisa upang maisakatuparan nang maayos at matagumpay ang buong selebrasyon.
Hindi man laging nakikita sa entablado, ang inyong mga pagsisikap ang naging pundasyon ng tagumpay ng ating mga mag-aaral at ng buong pagdiriwang.
Kayo ang tunay na haligi ng tagumpay ng Pagtatapos 2026.
Muli, taos-pusong pasasalamat sa inyong walang kapantay na serbisyo at pagmamahal sa edukasyon.