08/07/2026
📢 TINGNAN | Pulong Asambleya ng Barkada Kontra Bisyo, Matagumpay na Isinagawa
Ang Pulong ng Asambleya ng Barkada Kontra Bisyo (BKB) ay nagsilbing isang mahalagang pagkakataon para sa mga opisyal upang magsama-sama, talakayin ang mga sumusunod na programa, patatagin ang mga layunin ng organisasyon, at panatilihin ang paninindigan sa pagtataguyod ng isang ligtas, malayo sa bisyo, at malusog na kinabukasan ng bawat mag-aaral. 🫂🫡
Ang pulong ay isinagawa ngayong Ika-8 ng Hulyo 2026 na nakatuon sa mga pangunahing inisyatiba ng organisasyon, kabilang ang pagpapatupad ng Project Paskil, na naglalayong maglagay ng mga signage na 'No Smoking' at 'No Va**ng' sa bawat silid-aralan sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng paaralan. Tinalakay din ng mga opisyal ang mga estratehiya upang mapalakas ang online presence ng organisasyon sa pamamagitan ng opisyal na page ng BKB, binigyang-diin ang kahalagahan ng sama-samang pagdodokumento ng mga aktibidad sa paaralan. Dagdag pa, ang pagkakaroon ng poster slogan display, at muling pinagtibay ang komitment ng bawat opisyal sa aktibong pakikilahok at mapanagutang pamumuno.✊🏼
Sa pamamagitan ng pagtutulungan, pamumuno, at magkakasamang pananagutan, patuloy na gagabayan ang mga kapwa mag-aaral na gumawa ng matatalinong pasya at maging tulay bilang isang positibong ehemplo sa paaralan at komunidad.
Muli, maraming salamat sa lahat ng opisyal na nagbahagi ng kanilang oras, talino, at lakas para sa tagumpay ng pagpupulong na ito.
Sa DALISAY na hangaring ilayo ang kabataan sa bisyo, tayo ang magsisilbing TANGLAW sa dilim. Sa pamamagitan ng sama-samang SIKHAY, sabay-sabay nating itataguyod ang isang mas matatag, mas ligtas, at mas magandang bukas.💪🏼✨
,Tanglaw,Sikhay
✍️: Nathan Encarnacion
📸: Nathalee Oria, Sandra Javinar