10/09/2022
๐๐ข๐ง๐๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ซ๐จ
Tula ni Teacher Lory Calimlim, Manila Division.
Kami ay g**o,tinadhanang magturo
Pagmamahal sa bata't propesyon ay nasa puso.
Gagawin ang lahat upang sa mithiin ay hindi mabigo.
Mithiing, sa mga bata'y makapagturo.
Nilalaan ang salapi,panahon at dugo.
Ngunit tila nakakalimutan,tao din ang g**o.
Ang buhay,lakas ay may hangganan.
Ngunit dagdag trabaho'y walang katapusan.
Psychosocial una mo kaming pinahirapan,
Dumating si ANA,panukat daw ng kaalaman
Di pa nagkasya,Rapid Test ay isinilang
Na ang resulta ay ura-urada ang pasahan.
Sana'y maunawaan naman.
Ng mga nasa upuan
Mga g**o ngayu'y tunay na nahihirapan
Dahil mga bata ay nagkulang sa kaalaman
Bunga ng dalawang taon na online ang aralan.
Hindi malaman ng g**o paano sisimulan
Upang mga bata ay lubos na maturuan
Dahil maging pagsulat ng pangalan ay tila nakaligtaan
Ngunit paano g**o'y makakapagturo
Kung dagdag na trabaho'y walang katapusan
Sana'y pakinggan simpleng hinaing
hayaan kaming magturo
nang walang anumang alalahanin
Huwag na sanang hintayin na ang g**o ay sugpuin
ng anomang sakit na maaaring sapitin
Hindi po namin ugaling dumaing
Huwag lang po sanang pagsabay-sabayin
Maraming salamat po.