Aral. Pan.

Aral. Pan. this is just our project

13/10/2016

Imperyong Neo-Babilonio
Ang Imperyong Neo-Babilonio oImperyong Neo-Babilonyano oImperyong Kaldeo ay isang panahon sa kasaysayan ng Mesopotamia na nagsimula noong 626 BCE at nagwakas noong 539 BCE.
Noong mga nakaraang tatlong siglo, ang Babilonya ay pinamunuan ng kanilang kapwa nagsasalita ng wikang Akkadianoat mga hilaagang mga kapitbahay na Assyria.
Sa buong panahong iyon, ang Babilonya ay nagtamasa ng isang prominenteng katayuan.
Nagawa ng mga Asiryo na panatilihin ang katapatan ng mga Babilonyano sa panahongImperyong Neo-Asiryo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga tumaas na pribilehiyo o sa militar.
Gayunpaman, ito ay nagbago noong 627 BCE sa kamatayan ng huling malakas na pinunong Asiryo na si Assurbanipalat ang Babilonya ay naghimagsik sa ilalim ng Kaldeong siNabopolassar sa sumunod na taon. Sa pakikipag-alyado sa Medes, ang Nineveh ay sinakop noong 612 BCE at ang upuang imperyo ay muling nilipat sa Babilonya.
Ang panahong ito ay nakasaksi ng isang malaking pagyabong mga proyektong pangarkitektura, mga sining at agham sa Babilonya.
Ang mga pinuno ng imperyo Neo-Babilonya ay malalim na may kamalayan sa pagiging sinauna ng kanilang mga lahi at nagpursigi ng mga patakarang arko-tradisyonalista na bumuhay ng karamihan ng kanilang sinaunang Sumero-Akkadianong kultura.
Bagaman angwikang Aramaiko ay naging pang-araw araw na wika, ang wikang Akkadiano ay ibinalik bilang wika ng pamamahala at kultura.
Ang mga sinaunang ekspresyon mula sa nakaraang 1,500 taon ay muling ipinakilala sa mga inskripsiyong Akkadiano kasama ng mga salitang matagal na hindi sinalita sa panahong ito na wikang Sumeryo.
Ang skriptong kuneiporma na Neo-Babilonyano ay binago upang magmukhang tulad ng lumang ika-3 milenyong skripto ng wikang Akkadiano.
Ang mga sinaunang sining Neo-Babylonian cuneiform script was also modified to make it look like the old 3rd-millennium BC script of Akkad.
Ang mga sinaunang sining mula sa heydey ng kaluwalhatiang imperyal ng Babilonya ay tinrtto may malapit sa pagpipitagang pang relihiyon at iningatan. Halimbawa ang estatawa ni Sargon ng Akkad ay natagpuan noong pagtatayo at ang isang templo ay itinayo para dito at hinandugan ng mga handog.
Ang kuwento sinalaysay kung paano sa mga pagsisikap ni Nabucodonosor na ibalik ang Templo sa Sippar ay kinailangang gumawa ng mga paulit ulit na paghuhukay hanggang sa matagpuan ang depositong pundasyon ni Naram-Suen na pumayag sa kanyang muling itayo ang templo ng angkop. Muli ring binuhay ng mga Neo-Babilonyano, ang sinaunang kasanayang Sargonid ng paghihirang ng isang maharlikang anak na babae bilangsaserdotisa ng diyosang-buwan na si Sin.

13/10/2016

Mga Plebo
Ang mga plebo, plebyano, oplebeyano ay ang mga karaniwang tao sa lipunan ng Sinaunang Roma. Sa hanay ng kaantasang panlipunan ng matandang Roma, nasa ibaba sila ng mga patrisyano, subalit mas nakaaangat kaysa mga taong pinalaya at higit na nakaaangat kaysa mga alipin. Sila ang mga taong ipinanganak na malaya ngunit may kaunting kapangyarihan sa Sinaunang Roma.
Noong mga 500 BK sa Republika ng Roma, hindi sila nakapaglilingkod bilang mga politiko sa mga tanggapan ng pamahalaang Romano. Hindi sila maaaring maging pari, at hindi rin makapag-aasawa ng mga taong patrisyano. Subalit nakapaglilingkod sila bilang mgasundalo sa hukbong katihan.
Pagkalipas ng mahigit sa 200 mga taon, nagkamit ang mga plebo ng sari-saring mga karapatan. Pinakamahalaga sa mga ito ang karapatang makapaghalal ng mgatribuna. Binubuo ang mga tribuna ng sampung mga opisyal na maaaring tumanggi sa hindi patas na mga pagpapasya ng mgamahistrado.
Sila ang mga hinirang upang gumanap na mga tagapagtanggol na pangkarapatan ng mga plebo.
Noong 287 BK, nagkaroon sila ng karapatang makilahok sa paggawa ng mga batas. Nagtagumpay din sila sa pagkakaroon ng karapatan upang maging mga pari.

Kabihasnang Minoe(Idinirekta mula sa Civilization of Minoans)Isang maliit na istatuwang nagpapakita ng kasuotan ng mga M...
13/10/2016

Kabihasnang Minoe(Idinirekta mula sa Civilization of Minoans)

Isang maliit na istatuwang nagpapakita ng kasuotan ng mga Minoana o babaeng Minoe (mga 1400 BK).

Ang kabihasnang Minoe osibilisasyong Minoano ay isang dating kabihasnan sa pulo ng Cretana nagsimula noong Panahon ng Tansong-Pula. Umiiral ito mula noong mga 2700 BK. Tumagal ito magpahanggang mga 1450 BK, bago napalitan ng kalinangang Miseneo. Hindi naman talaga nalalaman ng mga dalubhasa kung ano ang tawag ng mga Minoe oMinoano para sa kanilang mga sarili, sapagkat nagmula lamang kay Sir Arthur Evans ang kapangalanang Minoan, na ibinatay mula sa maalamat o mitikong nilalang na si Haring Minos.

Muling natuklasan ang kalinangang Minoe sa pagsisimula ng ika-20 daangtaon sa pamamagitan ng pangunguna ni Evans, isangBritanikong arkeologo. Noong 1939, inilarawan ito ni Will Durant bilang "ang unang ugnay sa loob ng tanikalang Europeo".

15/10/2015

Kristiyanismo
Magellan's cross.jpg

Ang Kristiyanismo ay relihiyon na nakatuon sa buhay at pagtuturo ni Hesus ng Nazareth. Ang mga Kristiyano ay naniniwala na si Hesus—na tinatawag ding "Hesukristo"—ang Anak ng Diyos at ang Tagapagligtas na inihayag sa Lumang Tipan. Pinaniniwalaan nila ang Bagong Tipan bilang talaan ng mabuting balita na inilahad ni Hesus. Samantala, ang Filipinas ang pangunahing Kristiyanong bansa sa Asya. Tinatayang 85 porsiyento ng populasyon sa Filipinas ay Romano Katoliko, 10 porsiyento ang Muslim, at limang porsiyento ang iba pang relihiyon.
inag-Ugatan

Ang Kristiyanismo sa Filipinas ay nagsimula noong siglo 15, sa pagdating ng mga Espanyol. Noong panahon na iyon ay wala pang ekasaktong relihiyon ang mga Filipino. Ayon sa pananaw ng mga Espanyol na Kristiyano, ang mga katutubong nakita nila ay "pagano, animistista, at sumasamba sa mga anito," bukod sa naniniwala sa mga espiritu ng kalikasan. Ngunit sa pananaw ng mga taal na taga-Filipinas, ang kanilang paniniwala ay lihis sa diskurso ng "pagano at animista" na taglay ng mga banyaga.
Sa katimugang bahagi ng Filipinas ay marami ang mga Muslim.
Ang pagdaong saCebu ng Portuges na si Ferdinand Magellan, na lulan ng barko ng Espanya, ang tanda ng unang pagtangka ng mga Espanyol na simulang binyagan ang buong ng bansa sa ngalan ng Kristiyanismo. Naging magtagumpay sila sa paglulunsad ng maramihang binyagan, katulad ng ginawa sa mga tao ni [[Raha Humabon]. Nangyari ito dahil napagaling ng isa sa mga tauhan ni Magellan ang maysakit na apo ng raha. Hindi naipagpatuloy ni Magellan ang kaniyang misyon nang mapatay siya ni [Lapu Lapu]].
Pagkatapos ni Magellan ay si Miguel Lopez de Legaspi naman ang ipinadala ng hari ng Espanya. Nagawa ni Legaspi na sakupin ang tirahan ng mga Filipinong Muslim sa Maynila. Kung hindi namagitan ang mga Espanyol ay baka naging bansa ng mga Muslim ang Filipinas. Ang Muslim ay laganap na sa Katimugang bahagi noon at palaganap na rin sa Hilagang bahagi.
Naging matagumpay ang mga Espanyol sa kanilang hangad na mapalipat sa Kristiyanismo ang buong bansa, sapagkat walang kapangyarihang pumapagitna para kalabanin sila. May mga tribo at pangkat na pinangungunahan ng mga datu at raha, ngunit abala sila sa kanilang mga nasasakupang lugar.
Hindi naging matagumpay ang mga Espanyol sa pagpapalipat ng mga Sultanato ng Muslim sa Kristiyanismo. Kinalaban pa sila ng mga Muslim na Filipino sa loob ng 300 taon nilang pananakop sa Filipinas. Hindi rin sila naging matagumpay sa pagsakop sa matataas na lugar, gaya ng sa kabundukan sa Luzon, dahil mayroong iba't ibang pangkat etniko na nakatira doon na ginamit ang matatarik na bundok at gulod sa kanilang pakikihamok sa mga Espanyol.

15/10/2015

ANG SAMPUNG UTOS AT ANG PINAKAMAHALAGANG UTOS: ANG PAGKAKAUGNAY - Katesismo
August 4, 2011 at 2:24pm
ANG SAMPUNG UTOS (ni Moises)

1. Ibigin mo ang Diyos nang higit sa lahat.
- Ipinag-uutos ang pag-ibig sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya at pagsunod sa kanyang mga utos.

2. Huwag kang magpahamak manumpa sa ngalan ng Diyos.
- Ipinagbabawal ng Diyos ang panunumpa sa walang katotohanan, nim katwiran ay di-kailangan, pagtutungayaw at at pagwiwika ng masama laban sa Diyos at sa mga santo o mga banal na bagay.
- Ang panunumpa ay pagsaksi sa ngalan ng Diyos upang mapatunayang tayo ay nagsasabi ng totoo.

3. Mangilin ka kung araw ng Linggo at mga pistang pinangingilinan.
- Ipinag-uutos ang pagsisimba sa ganitong mga araw.
- Ipinagbabawal ang paggawa ng mabigat kung araw ng Linggo at mga pistang dapat ipangilin.

4. Igalang mo ang iyong Ama at ang iyong Ina.
- Ipinag-uutos ng Diyos ang pagtalima, paggalang at pagtulong sa mga magulang at sa lahat ng maykapangyarihan, sa mga namumuno at sa mga matatanda man at sa mga g**o at sa sinumang may karangalan.
- Katungkulan ng mga magulang na alagaan ang kanilang mga anak, pangralan, sawayin at bigyan ng mabuting halimbawa at tulungan sa pagkakaroon ng karapat-dapat na kalagayan.

5. Huwag kang pumatay ng kapwa mo tao.
- Ipinagbabawal ang pagsugat o pananakit sa kapwa; ang pagtatanim ng galit, ang pagtutungayaw at pagnanasa sa kapwa.
- Ipinagbabawal ang pagpapakamatay at paglalasing.

6. Huwag makiapid sa hindi mo asawa.
- Ipinagbabawal ang pag-iisip, pagnanasa, pagsasalita at paggawa ng kahalayan lalo na sa hindi mo asawa.

7. Huwag kang magnanakaw.
- Ipinagbabawal ang pagkuha at pagsira sa hindi mo pag-aari.

8. Huwag kang magbintang o manirang-puri sa kapwa mo tapo at huwag ka namang magsisinungaling.
- Ipinagbabawal ang pagbibintang ng di-makatwiran, ang paninirang-puri.

9. Huwag kang magnasa sa asawa ng iyong kapwa.
- Ipinagbabawal ang pagnanasa sa hindi mo asawa.

10. Huwag pagnasaan ang hindi mo pag-aari.
- Ipinagbabawal ang di-matuwid na paghahangad sa mga bagay na pag-aari bg iba, at ang pagkainggit sa kapwa.

Upang maipakita ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa lahat, simula pa noong una, Siya ay nakipagtipan. Ang isang tanda ng pakikipagtipan ng Diyos ay ang Sampung Utos. Ang Sampung Utos ay hindi ginawa para pahirapan tayo kundi gabayan tayo sa kabanalan. Sa mga Utos Niya ay natutukoy natin kung ano ang alin, ang mabuti at masama.

15/10/2015

Ang Judaismo ang isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Ang paniniwala ng mga Hudyo sa monoteismo ay nagpapatunay na naging batayan ito ng Kristyanismo at Islam. Ang Torah na nangangahulugang batas at aral ay naglalaman ng limang aklat ni Moses.

15/10/2015

Mga Paniniwala ng mga Sikhismo

May Isang Diyos, Walang hanggang katotohanan ang kanyang pangalan. Sila ay nanini-wala sa reinkarnasyon at sa pag-akyat ng mga kaluluwa mula sa mababang antas pataas.Kailanganag
masagip ang mga tao o silay patuloy na makaranas ng mulit muling pagsilang. Ang nirvana ng mga Sikh ay makakamtam sa pagsama ng indibidwal sa kanyang lumikha sa kabilang buhay.

Sikhismo  Ang Sikhismo ay itinatag ni Guru Nanak. Sinikap niyang pagbuklurin ang mga Muslim
14/10/2015

Sikhismo
Ang Sikhismo ay itinatag ni Guru Nanak. Sinikap niyang pagbuklurin ang mga Muslim

Mga Doktrina Ng Jainismo  Ang Bawat tao ay may layunin namakalaya angkaluluwa sa pagkabuhay,pagkamatay, at muling pag ka...
14/10/2015

Mga Doktrina Ng Jainismo
Ang Bawat tao ay may layunin namakalaya angkaluluwa sa pagkabuhay,pagkamatay, at muling pag kabuhay.

Jainismo Ang Hainismo (mula sa Ingles na Jainism) o Jain Dharma (जैन धर्म) ay isa sa mga matatandang relihiyon sa mundo ...
14/10/2015

Jainismo
Ang Hainismo (mula sa Ingles na Jainism) o Jain Dharma (जैन धर्म) ay isa sa mga matatandang relihiyon sa mundo na nagmula pa sa Antigong India. Ang nagtatag ng Hainismo ay si Vardhamana na kilala bilang Mahāvirā (599-527 B.C.) na sa edad na 30 ay nagwaksi ng kanyang pamilya at naging asetiko. Sa loob ng 12 taon, naging aktibo siya sa paghahanap ng katotohanan at lubos na nakapagtamo ng kamulatan habang nagninilay-nilay. Itinuro niyang ang lahat ng bagay sa daigdig, materyal man o hindi, ay may kaluluwa. Ang pagdadalisay ng kaluluwa ang layunin ng eksistensiya, sapagkat ang dalisay na kaluluwa, minsang mapalaya mula sa katawan, ay makapamumuyhay sa walang-hanggang kaluwalhatian at malaya magpakailanman. Ang kadalisayan ay matatamo sa pamamagitan ng kaalaman at balanseng buhay. Itinaguyod din ng relihiyong Jainismo ang sukdol na asetismo, pag-aayuno, yoga at iba pang awsteridad para sa layuning pagninilay-nilay o meditasyon. May limang panata ang sinusunod ng mga Hain:

1. Ahimsa (kawalang-karahasan)
2. Satya (katotohanan)
3. Asteya (katapatan)
4. Brahmacharya (kabirhenan)
5. Aparigraha (karalitaan)

12/10/2015

______________________________
walong daan ni buddha(eigthfold path)
______________________________

A. wastong pag -iisip
B. wastong aspirasyon
C. wastong pagkilos
D. wastong pananaw
E. wastong intensiyon
F. wastong pagsasalita
G. wastong hanapbuhay
H. wastong pagkaunawa

12/10/2015

Ang Mga Apat na Maharlikang Katotohanan (Sanskrit: catvāri āryasatyāni; Pali: cattāri ariyasaccāni) ang itinuturing na sentral na doktrina ng Budismo. Ito ay sinasabing nagbibigay ng balangkas na pangkonsepto sa lahat lahat ng mga kaisipang Budista. Ang mga apat na maharlikang katotohanang ito ay nagpapaliwanag ng kalikasan ng dukkha (Pali; na karaniwang isinasalin na "pagdurusa", "kabalisaan", "stress", "kawalang satispaksiyon"), ang mga sanhi nito at kung paano ito malalabanan. Ayon sa tradisyong Budista, unang itinuro ni Gautama Buddha ang mga apat na maharlikang katotohanan sa napakaunang katuruang kanyang ibinigay pagkatapos niyang makamit ang Kaliwanagan.

Ang mga apat na katotohanan ang:

Ang katotohanan ng dukkha (pagdurusa, kabalisaan, kawalang satipaksiyon)
Ang katotohanan ng pinagmulan ng dukkha
Ang katotohanan ng pagtigil ngdukkha
Ang katotohanan ng landas tungo sa pagtigil ngdukkha
Ang unang katotohanan ay nagpapaliwanag ng kalikasan ng dukkha na karaniwang isinasalin na pagdurusa, kabalisaan, kawalang satipaksiyon etc., at sinasabing may mga susumunod na tatlong aspeto:

Ang halatang pagdurusa ng karamdamang pisikal at pangkaisipan, pagtanda at pagkamatay
Ang kabalisaan o stree ng pagtatangkang kumapit sa mga bagay na patuloy na nagbabago at
isang kawalang satipaksiyon na laganap sa lahat ng mga anyo ng buhay sanhi ng katotohanan na ang lahat ng mga anyo ng buhay ay hindi permanente at patuloy na nagbabago
Ang ikalawang katotohanan ay ang pinagmulan ng dukkha ay malalaman. Sa loob ng konteksto ng apat na maharlikang katotohan, ang pinagmulan ng dukkha ay karaniwang pinapaliwanag bilang pagnanasa (Pali: tanha) na kinondisyon sa kamangmangan (Pali: avijja).Sa isang mas malalim na antas, ang ugat na sanhi ng dukkha ay tinukoy na kamangmangan (Pali: avijja) ng tunay na kalikasan ng mga bagay. Ang ikatlong maharlkang katotohanan ay ang kumpletong pagtigil ng dukkha ay posible at ang ikaapat na katotohanan ay tumutukoy sa isang landas sa pagtigil na ito. Ang landas na ito ang Maharlikang Makawalong Landas. Ang walong mga ito ang: tamang pananaw o pagkaunawa, tamang layuini o tamang pag-iisip, tamang pananalita, tamang aksiyon, tamang pamumuhay, tamang pagsisikap, tamang kamatyagan, at tamang konsentrasyon.

Address

Sagay City
6122

Telephone

02856482313

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aral. Pan. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category