08/09/2025
PASASALAMAT AT MENSAHE
Sa ngalan ng buong paaralan, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa matagumpay na pagdiriwang ng Buwan ng Wika, Kultura, at Isports 2025. Isang makabuluhan at masiglang pagdiriwang na hindi lamang nagpamalas ng galing at husay ng bawat mag-aaral, kundi nagbigay rin ng oportunidad upang mas mapalalim ang ating pagmamahal sa ating wika, kultura, at palakasan.
Lubos naming ipinagmamalaki ang lahat ng kalahok, lalo na ang mga nagwagi sa iba't ibang patimpalak. Ang inyong dedikasyon, talento, at sipag ay tunay na inspirasyon sa lahat. Binabati rin natin ang ating mga Lakan at Lakambini ng Wika at Isports 2025—kayo ang mukha ng kagandahan, katalinuhan, at kakayahan ng kabataang Pilipino.
Mga Natatanging Gawaran
LAKAMBINI NG WIKA AT ISPORTS 2025
👑 Melrose V. Tabano – Ikasampung Baitang
🏅 Unang Lakambini: Niña Mae Mercado – Ikasiyam na Baitang
🏅 Ikalawang Lakambini: Jenicel B. Villegas – Ikawalong Baitang
🏅 Ikatlong Lakambini: Lean Jean Baguio-Ikapitong Baitang
LAKAN NG WIKA AT ISPORTS 2025
🤴 Ian Villegas – Ikasampung Baitang
🏅 Unang Lakan: Jonel Villegas – Ikasiyam na Baitang
🏅 Ikalawang Lakan: Deither Pepito – Ikawalong Baitang
🏅 Ikatlong Lakan: Archilles Balaba – Ikapitong Baitang
Mga Natatanging KAMPYON sa Patimpalak
🍽️ Lutong Bahay kasama si Nanay – Ikasampung Baitang
🎤 Timpalak sa OPM: Justine Mae I. Carballo
🎼 Timpalak sa Kundiman: Jhea Mae Delfin – Ikasiyam na Baitang
💃 Ethnic Dance: Ikasampung Baitang
📆 Lingguhang Patimpalak
🎨 Poster-Slogan Making: Ikasiyam na Baitang
✍️ Pagsulat ng Tula: Niña Mae Mercado – Ikasiyam na Baitang
🧠 Tagisan ng Talino: Lhendy Lou L. Hidalgo – Ikasampung Baitang
Sa likod ng bawat tagumpay ay ang sama-samang pagkilos ng bawat g**o, magulang, mag-aaral, at ng buong pamunuan ng paaralan. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta, pakikiisa, at pagmamahal sa ating kultura.
Nawa'y maging inspirasyon ang selebrasyong ito upang lalo pa nating pahalagahan at ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino. Hanggang sa muli, mabuhay ang wikang Filipino, ang ating mayamang kultura, at ang masiglang kabataang atleta ng ating paaralan!
Muli, maraming salamat at mabuhay tayong lahat!