21/07/2026
DI-NABUBULOK AT NABUBULOK: Disiplina Tungo sa Malinis na Paaralan!
Narito na ang mga bagong lalagyan ng basura ng Tuban Elementary School na malinaw na nakatalaga para sa nabubulok at di-nabubulok na basura. Sa simpleng wastong paghihiwalay ng ating mga kalat, malaki ang maitutulong natin sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at pangangalaga sa kapaligiran.
Hinihikayat ang lahat ng mag-aaral, g**o, kawani, magulang, at bisita na gamitin nang tama ang mga lalagyang ito.
Tandaan: Ang malinis na paaralan ay nagsisimula sa disiplinadong pagtatapon!
Sama-sama nating panatilihing malinis at luntian ang ating mahal na paaralan.
� � � � �