28/07/2026
๐ฅฃ๐ ๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐ฅ๐๐ | ๐ฆ๐๐ ๐-๐ฆ๐๐ ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ง๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐-๐๐ฆ๐! ๐๐
Mula sa Sablayan South District Office (Drop-off Point) hanggang sa Sitio Pusog Brigada (Pick-up Point), matagumpay na naihatid ang mga suplay para sa National Feeding Program (NFP) ng Balani Minority School โ Pusog Extension sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng ating mga katuwang.
Taos-pusong pasasalamat kay Sir James Favilonia II, District Property Custodian โ AO II, sa kanyang mahusay na patnubay; kay Ma'am Leizel Dangeros Tolosa , District Nurse, sa kanyang suporta; gayundin kina Sir Vincent Magalong , AO II, at Ma'am Jen Perez , Feeding Assistant, na nanguna sa pagkarga, paghahakot, pagdiskarga, at pangangasiwa ng logistics. Maraming salamat din sa ating mga masisipag na g**o na tumanggap, nag-account, at nagsig**o na maayos na naihatid ang bawat suplay sa paaralan.
Lubos din kaming nagpapasalamat sa Sangguniang Barangay ng Barangay Ligaya, sa pangunguna ni Kap. Magnaye, sa pagpapahiram ng L300 Rescue Vehicle na naging malaking tulong upang ligtas at maayos na maisagawa ang transportasyon ng mga suplay.
Ang matagumpay na logistics ay isang mahalagang hakbang sa tagumpay ng School-Based Feeding Program. Sa likod ng bawat kahon ng pagkain ay ang dedikasyon ng maraming taong nagsisilbi upang matiyak na ang bawat batang nangangailangan ay makatatanggap ng sapat na nutrisyon para sa mas malusog na pangangatawan at mas mahusay na pagkatuto.
Ito ang tunay na diwa ng ๐ BRAVO: Occidental Mindoroโisang pagkakaisang isinasabuhay ang integridad, kahusayan, at disiplina sa bawat gawaing naglalayong mapabuti ang buhay ng ating mga mag-aaral.