24/05/2023
TINGNAN || RNCHS OSOP PROJECT LAKAS : TLE TVL BAZAAR 2023 MATAGUMPAY NA NABUKSAN.
Matapos ang tatlong taon dahil sa pandemya ay muling nasaksihan ngayong araw, ika-24 ng Mayo 2023, ng mga mag-aaral ng RNCHS ang TLE TVL Bazaar na ayon sa "One School, One Product" ng Department of Education.
Sa pangunguna ni Gng. Joylin G. Dangan, District TLE/TVL Coordinator, nailunsad ang Project LAKAS o ( Learners Application of Knowledge, Attitude and Skills), na naglalayong maipakita ng mga mag-aaral ng TLE at TVL ang kanilang mga natutunan sa pamamagitan ng kanilang mga produkto at serbisyong ipapamalas sa RNCHS TLE/TVL Bazaar. Sa patnubay ng kanilang mga g**o, buong saya at tiwalang ipapamalas ng mga mag-aaral ang iba't-ibang mga produkto at serbisyo ng iba't-ibang mga specialization ng TLE at TVL.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan at pinasiyahan ni G. Joseph K. Baluarte, PSDS ng Roxas Central kasama sina G. Roy Coronado, RNCHS PTA President, Bb. Conchita A. Dacillo, OIC Asst. Principal ng SHS, Gng. Maribeth Q. Adier, OIC Asst. Principal ng JHS, Gng. Merylen O. Rodriguez, OIC Asst Principal na siyang kumatawan kay Gng. Felomina V. Alanis, Principal IV at mga g**o at kawani ng Roxas National Comprehensive High School.
Sa mga nais pumunta at makisaya, magtatagal ang RNCHS Bazaar 2023 hanggang May 25, 2023 sa MAVS Covered Hall.